Yoona's POV
Ano ba naman tong hayop na to, ayaw ayusin!
Paulit ulit na lang kami kinukunan sa scene na to!!
Nananadya ba to?!!
Parang maghahalo lang kami ng cake mix at magkakatinginan, eh inabot na kami ng 31 takes!
Tuwing nasa part na kami ng eye contact, tatawa siya bigla!
Ano ba nakakatawa sa mukha ko?!
Tanga lang Chanyeol?
Pano kaya to naging artista?!
Isa pa masasapak ko na talaga to!
"Chanyeol, ayos ka lang ba? Gusto mo ba magbreak muna at ubusin yang tawa mo?" tanong ni direk sa kanya, halatang naloloka na rin sa kanya.
"S-s-sorry d-direk! Di ko mapigil matawa. Hahaha!" tawa pa niya, "A-ayusin ko na promise. Mianhe direk." at pinilit na niya pigilin ang tawa.
"Ok ready!"
"Take 32, Action!"
Hinalo namin ulit yung cake mix.
Ako ang nasa unahan ng kitchen counter at siya naman ay nasa likod ko. Ang dalawang kamay nya ay nasa harap.
Bale ang pwesto namin ay nakaback hug siya sakin at nakahawak sa kamay ko habang sabay naghahalo ng cakemix. Yung mukha niya nasa bandang ulunan ko, amoy na amoy ko ang kanyang perfume na napakabango.
Eto na, ihaharap na niya ko sa kanya at magkakatinginan na kami and he will lean close to my face. Juskooo Chanyeol ayusin mo na please, aatakihin na ko sa puso nito sa paulit ulit na pagkabog ng dibdib ko kada magkakatinginan tayo. Haizt!
Hinarap na niya ko muli sa kanya and we both deeply stared at each other.
Ayan na naman yung kaba ko grabe!
31 times na ko nagka-mini heart attack today, pucha!
Please lang wag ka na tatawa Chanyeol.
Dahan dahan niya hinawi ang naligaw na strand ng buhok sa aking mukha at hinawakan ang pisngi ko.
Sh*t!!!
Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko as if nakikipagkarera. Napapalunok ako sa kaba dahil kita ko sa mga mata niya ang pagkaseryoso sa scene namin.
Akmang malapit na malapit na ang mga labi namin nang biglang........
"Cut!!! Perfect!!! Nakakaloka natapos rin!!" palakpak ni direk.
Bumitaw agad ako sa kanya pagkarinig ko kay direk. Natauhan na ko muli at napailing na lang.
Wui, Yoona umayos ka nga. Hinalikan ka nga ng g*g*ng yun sa parking, sinampal mo pa nga tas ngayon ano?
Nag e-expect ka pang mahalikan ulit? Landi lang hah? inis kong sabi sa sarili.
"Sa wakas! Kala ko abutin pa tayo ng madaling araw dito." sabi ko at naupo sa pagod.
Si Chanyeol naman, nagkibit balikat lang na animo'y di siya aware sa hassle na ginawa niya.
Habang nagpapahinga ako, natanaw ko ang aking pinsan na galing Japan papalapit sakin.
Aba! Di nagsabi bibisita pala to...
Tumayo ako agad at sinalubong siya ng yakap.
"Kuya Hiro ano ginagawa mo dito? Di ka manlang nagsabi edi sana napasundo kita!" sabi ko sa kanya pagkayakap.
"May aattendan kasi akong seminar sa Nami Island bukas. Naisip ko dumaan muna sainyo ni Chloey. Miss na miss ko na pamangkin kong makulit eh hahaha!" tawa nito.
Si kuya Hiro ang pinsan ko na tumulong sakin noon makapasok ng work sa Japan. Siya rin ang pinakaclose ko na pinsan. Sweet kasi to at maalalahanin lalo na kay Chloey.
"Hahaha! Sigurado matutuwa si babe." ngiti kong sinabi sa kanya.
Just then, nakita ko si Chanyeol umaaligid samin na parang ninja.
Ano trip neto?
Chismoso lang ganun?
BINABASA MO ANG
EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>
FanfictionNasa college sila nang maging boyfriend ni Yoona si Chanyeol na trainee pa noon sa SM Entertainment. Hindi palaayos si Yoona, mukha syang manang at madalas syang asarin na 'nerd'. Kaya ganun na lamang nya minahal si Chanyeol dahil tinanggap sya nit...