Yoona's POV
After two days pa na pagstay sa hospital, dinischarge narin ako ng doctor ko. Binilinan ako ng mga dapat kainin at nagreseta ng gamot.
Nang makauwi ako sa condo, sumalubong agad si Chloey at nag-iiyak.
"Mommy where have you been? I miss you mommy!" hagulgol nito.
Yinakap ko ito ng mahigpit at binuhat.
"Sorry babe, mommy had to work for days kaya di ako nakauwi agad." pagsisinungaling ko dahil ayoko lalong mag-alala ito.
I spent another week na puro rest lang and bonding time with Chloey. Ang bilis ng araw lumipas.
Wala rin akong natanggap na text o tawag kay Chanyeol, buti naman.
Ngunit dumating na ang araw na pinaka-ayaw ko.
Taping day na ulit ng Memories of You.
At ang eksenang kukunan is the kissing scene of Penelope and Jin Woo.
Gustuhin ko man mag-reason out at mag-absent ngayon but then I can only postpone it for days and ganun din yun. Di ko matatakasan ang eksenang kailangan kuhanan.
So I gathered up all my strength and will power I had in me at pumasok na sa trabaho.
Nandun na siya pagdating ko sa set.
Nakita niya ko at akmang lalapit sana kaso inirapan ko siya.
Di kami nagkibuan hanggang sa oras na para magshoot.
Huminga ako ng malalim. I stood up at pumwesto na sa spot kung san kami kukunan.
Sa ilalim ng puno kung san magbibitaw ng pangako si Jin Woo kay Penelope.
Pagkalapit ni Chanyeol sakin, pabulong ito nagsalita.
"I'm so sorry Yoona. Di ko alam paano at ano gagawin ko mapatawad mo lang ako sa kasalanang nagawa ko sayo."
Di ko siya pinansin....
Ano ba akala niya??
Makukuha lang sa simpleng sorry ang lahat??
Ano to, nagsosorry na parang natapakan lang niya paa ko tas ok na ulit, ganun???
Tinikom ko lang ang bibig ko at huminga ng malalim.
Maya-maya pa, nagsimula na ang taping at nag-cue na si direk.
"Ok guys ready! In 3.... 2... 1.."
"Action!"
Tumingala ako sa kanya ng haplusin niya ang aking pisngi.
Bakas sa mga mata niya ang lungkot at pagsisisi.
"Sana dumating ang araw na mapatawad mo pa ko. Sana bigyan mo ko ng chance magpaliwanag sa mga nangyari noon." sinsero nitong wika.
Napanganga naman ako sa pinagsasabi niya.
Wala sa script ang binibitawan ni Chanyeol ngayon!
"Cut! Chanyeol, saang lupalop mo pinagkukuha mga linya mo?! May iba ka bang script na binabasa hah?!! Tsaka bakit ganyan ang expression ng mukha nyo?! Masaya tong eksene, ngumiti naman kayo!! Juskoooo!!" sigaw ni direk.
"Ok ready!"
"Take 2, Action!"
Ganun ulit, tumingala ako sa kanya when he touched my cheeks.
Nakangiti na ito, at nagbitaw na ng kanyang linya.
"Anoman ang mangyari sa hinaharap, mananatili ka sa puso at isipan ko Penelope. Hinding hindi kita kakalimutan habang buhay." masuyong sabi nito.
Yumuko si Chanyeol papalapit saking mukha.
Unti-unti kong naramdaman ang labi niyang lumalapat sa aking labi.
I responded to his kiss just like what the scene is asking for.
His left hand held me on my waist at ang kanang kamay niya ay nasa leeg ko.
Suddenly my body is starting to betray me again.
I was shivering while he slowly moved his lips against mine.
Nooo!!!!!!
Umaarte lang kayo, punyeta!!!
Wag kang magpapadala sa eksena Yoona!!!!
Pero kamusta naman ang puso ko ngayon?
Ayun, walang habas sa pagpintig na animo'y nakikipag karera.
May dalawang minuto rin o mahigit kami naghahalikan. Lahat ng anggulo kc kailangan nila kuhanan para makapili sila ng gagamitin pag nag-edit na sila.
"Cut!!! Ok, good take guys! Good take!" masayang sabi ni direk at napa-palakpak silang lahat.
Agad naman kami nagbitaw ni Chanyeol pagkarinig ng cut, na para kaming nakuryente.
Sa wakas!!!
Nalampasan ko rin tong eksena na ito.... Woooh!!!
Bumalik ako sa upuan ko at di manlang tinapunan ng tingin si Chanyeol.
May mga iba pa kami kinuhanan na scenes.
Ang pagsusulat sa puno nila Penelope at Jin Woo at ang picnic nilang dalawa.
Kahit ang bigat sa pakiramdam, tiniis ko na lang hanggang matapos ang taping.
Sa harap ng camera nakangiti ako. Ngunit kada matatapos ang scene, balik na naman sa walang pansinan at pagiging cold ko sa kanya.
Pauwi na kami ng biglang pumasok si Chanyeol sa van na sinasakyan ko.
At first I was stunned sa presensya niya ngunit napalitan ito agad ng matalim na tingin.
"I know apologizing to you is 4 years late, pero sana pakinggan mo mga sasabihin ko Yoona." he started.
I crossed my arms on my chest and looked outside the window of the van.
Pinapakita ko na hindi ako interesado sa mga kasinungalingan na bibitwanan niya.
"Aaminin ko oo totoong pustahan ang dahilan bakit kita pinursue na maging girlfriend..... Pero Yoona naman.... Umabot tayo ng isang taon. Wala manlang ba ko sayo napatunayan kung gano kita kamahal??" tanong nito sabay inabot niya ang kamay ko.
Liningon ko siya at nakita ang luhang pumapatak sa kanyang mga mata.
Hindi pa rin ako nagsalita.
"At sa sinasabi mong nakita mo noon, sana nakita mo rin kung pano ko tinaboy si Mi Rae. Yoona, iniwan mo ko ng di binibigyan ng pagkakataon itama ang mga maling akala. Kaya please wag mo naman pagkait sakin ayusin ang nangyari 4 years ago." pakiusap ni Chanyeol.
Inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya.
Tinignan ko siya sa mata at saka nagsalita.
"What's done is done. Sa totoo lang pinatawad ka naman ng puso ko eh. Pero ang isip ko di makalimot sa ginawa mo. If you really loved me, you should've told me the truth noon pa lang. Kung ginawa mo yun, siguro hindi tayo hahantong sa ganito."
"Chanyeol, hindi mo lang alam mga pinagdaan ko, makalimutan lang kayo ni Mi Rae. Tapos ngayon heto ka na naman? Aba kotang-kota na ko sayo." dagdag ko dito.
"Please... Hayaan mo lang ako makabawi, kahit yun lang. Di ako mag-eexpect ng ano pa man. Just let me make it up to you. No commitments or whatsover." makaawa nito.
Ano nga ba???
Pagbigyan ko ba siya makabawi sa mga kasalanan niya noon????
BINABASA MO ANG
EXO Files #1: Chanyeol <You'll Be Mine Once Again>
FanficNasa college sila nang maging boyfriend ni Yoona si Chanyeol na trainee pa noon sa SM Entertainment. Hindi palaayos si Yoona, mukha syang manang at madalas syang asarin na 'nerd'. Kaya ganun na lamang nya minahal si Chanyeol dahil tinanggap sya nit...