[:Chapter 38:]
CIER'S P.O.V
"Alis na ko Cier, Yra. Mag pagaling ka Yra huh?" Paalam ni Shy habang isinusuot ang sapatos at handa na para pumasok.
Ako naman ngayon ang bantay kay Yra na sumasama parin ang pakiramdam, wala naman siyang lagnat pero nahihilo lang talaga siya at lintek ang lakas niya mag lihi.
Kawawa naman si Shy dito kahapon, pabalikbalik sa palengke dahil paiba iba ang gusto ni Yra.
Hay, ngayon ako naman ang makakadanas nun, mabuti nga at tulog siya ngayon eh.
Nagpunta muna ako sa CR para maligo dahil naiinitan na ako at malamang mamaya ay wala na kong panahon para maligo dahil magiging abala ako sa pag aasikaso kay Yra.
Mabilis lang ako naligo dahil baka magising si Yra pag katapos ko ay pumunta ako sa sala at nanood na lang nang TV.
*****
Isang oras ang lumipas ay bigla na lang may kumatok sa pinto namin, nagtaka naman ako kung sino iyon.
Impossible na si Shy iyon dahil may susi siya nang bahay, wala rin naman akong inaasahan na bisita ngayon.
Taka akong nag tungo sa pintuan at binuksan iyon nagulat pa ko nang makita ang hindi inaasahang bisita sa harap ko.
"S-Stair?" Taka kong tawag dito. Nagtitigan kami at nang matauhan ako ay pinapasok ko siya sa loob.
Umupo naman siya sa sofa, nakauniform siya kaya alam kong galing pa siya sa school. "Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko dito at umupo sa sofa sa tapat niya.
"Nasabi kasi sakin ni Shy na di ka papasok dahil kailangan mong alagaan si Yra." Sagot nito. Nangunot ang noo ko.
"Ano naman?" Tanong ko dito.
"Ako na ang bahala kay Yra, pumasok kana." Seryosong sabi nito. Gulat ko naman siyang tinitigan. Seryoso ba siya?
"Pero bak—"
"Look Cier, you're running out of time, hindi ba sabi mo you're gonna tell Kail everything ASAP, you should tell him about how you feel, baka mamaya di mo alam nasa kamay na siya nang iba." Nakangising sabi sakin ni Stair.
Nainis naman ako sa huling linyang binitawan niya. Nasa kamay nang IBA? Hll no!
Inis akong tumayo at pumunta sa kwarto ko para mag palit nang damit. Madali akong umalis at nag paalam kay Stair na nanonood lang nang TV sa sala. Tinakbo ko na papunta sa parking lot dahil sa pag mamadali.
Minabilis ko naman ang pag mamaneho ko at agad na nakarating sa school.
Tinakbo ko papasok sa school at kaswertehan ko lang at umabot ako sa class ko.
Hinanap agad nang mata ko si Kail, nung una ay nag taka siya at nandito ako pero agad din niya ito pinalitan nang blankong ekspresyon.
Umupo na ko sa tabi niya at tahimik na nag hintay.
******
Tumunog na ang bell hudyat na lunch na, kinakabahan ako dahil ngayong oras na 'to ko balak na magtapat kay Kail.
YOU ARE READING
She's the one: Kailyfer Kim
Teen FictionKailyfer Canxhe Kim (1) Original Date: ♕ September 09 2017 ♛ February 26 2019