[:Chapter 45:]
KAIL'S P.O.V
Nakatayo kami sa labas nang kainan namin habang hinihintay ang mga girls. Natanaw ko na agad sila kaya napangiti ako, pero napawi iyon nang makita kong nakasimangot si Cier at ang bulaklak na binigay ko sa kanya ay lasog lasog na.
Anong ginawa niya? Napatingin ako sa dalawa kong kasama na kunot noong nakatingin sakin.
Nag kibit balikat ako para sabihing wala akong ideya sa ginawa niya sa bulaklak. Nakalapit na sila samin at nangunguna ang nakasimangot na si Cier.
Tumigil sila sa harap namin. "C-Cier?" Napatingin siya sakin gamit ang seryoso niyang mukha. Napalunok ako.
Tinignan ko yung lasog na bulaklak na hawak niya. "A-anong nanyare d-diyan?" Tanong ko habang nakatingin doon.
Tinignan niya rin kung saan ako nakatingin. Tinaas niya ito. "Ah eto?" Walang ganang sabi niya. "Pinanghampas ko lang naman sa mga bwiset na payaso." Seryosong sabi niya at tuluyan nang pumasok sa loob.
Napatingin ako sa tatlong babaeng kasa niya, lahat sila nagkibit balikat at walang alam sa nanyare.
CIER'S P.O.V
Di maalis sakin ang pag kabwiset sa Lianna Fartel na iyon, wish ko lang talagang wag nang mag tagpo ang landas namin dahil baka masapak ko lang siya.
Uwian na at buong araw akong tahimik at walang gana, mukhang natakot naman silang kausapin ako dahil sa ekspresyon nang mukha ko.
Nag drive na ko pauwi nang di nag papaalam. Kay Shy naman sasabay si Yra kaya okay nang umuna ako.
Umupo ako sa kama ko pag dating ko sa bahay, pinagmasdan ko ang kaawa-awang bouquet nang flower na hawak ko.
"Mga bwiset!" Inis na bulong ko. Nilagay ko sa table ko ang flowers at hihiga na sana nang mag ring ang phone ko.
Agad kong sinagot iyon nang di man lang tinitignan kung sino ang tumatawag. "Cier?" Tawag nito.
Si Kail.
Di ako sumagot, maingay sa background puro tunog nang sasakyan halatang nasa labasan siya.
"N-nandito ako sa labas nang building niyo, punta ka d-dito please?" Napabangon ako at nanlalaki ang mata.
Anong ginagawa niya dito?! Tsk, lintek naman pasaway talaga!
Bumaba agad ako kahit di pa ko nag papalit nang uniform lumabas ako at nakita ko siyang nakasantal sa sasakyan niya at nakatulala sa isang bagay.
Lumapit ako sa kanya, mukhang di niya ko napansin at kinailangan ko pa siyang kalabitin.
Nagulat pa nga siya nang makita ako sa tabi niya eh. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.
Ngumuso siya at pumasok sa kotse niya, pinapasok niya ko kaya pumasok ako. Nanatili kaming tahimik sa loob.
Nandito lang kami, kala ko aalis kami. "G-galit k-ka ba sakin C-Cier?" Utal utal na tanong niya.
Gusto kong mata dahil sa pagiging utal niya, grabe! Ang isang Kail Kim nauutal sakin! Tsk.
"Hindi." Simpleng sagot ko. Bumuntong hininga siya.
"Eh bakit lasog lasog na yung flowers na binigay ko sayo? May nagawa ba kong di ko magustuhan?" Tanong niya.
Bumuntong hininga din ako. "Wala, wag mo na alalahanin yun, wala lang yun." Sagot ko dito.
"Bakit ba nag kaganun yun?" Tanong niya.
"Wala nga." Sagot ko.
Ngumuso siya. "G-galit ka talaga sakin, d-di mo naman sisirain yung kung di ka—"
"Di ako galit sayo at mas lalong di ako ang nag sira nun! May nakasalubong lang akong fan girls mo kanina at sinira ang flowers na yun, pero okay na nakaganti na ko. Hinampas ko na sila nang flowers na yun!" Inis na paliwanag ko.
Natahimik kami saglit pero mayamaya bigla siyang tumawa. Kunot noo ko siyang tinignan. "Bakit?" Tanong ko dito
Umiling siya habang nakangiti. "Wala. Haha, masaya lang ako kasi di ka galit sakin." Sabi niya habang nakangiti.
"Bakit naman ako magagalit sayo? Wala ka namang ginagawang masama diba?" Tanong ko.
Ngumiti siya at tumango kaya nginitian ko rin siya.
Nung gabing din yun dinala niya ko sa overlooking kaya puyat kami kinabukasan, pero okay lang, masaya namang makasama siya eh.
Masayang masaya, kaya di na ko mag tataka kung bakit ako nahulog sa kanya.
~
![](https://img.wattpad.com/cover/122143512-288-k690540.jpg)
YOU ARE READING
She's the one: Kailyfer Kim
Fiksi RemajaKailyfer Canxhe Kim (1) Original Date: ♕ September 09 2017 ♛ February 26 2019