[:Chapter 59:]
5 years later
"Uwaaahh! Uwaaaah! Uwaaah!" Agad na umiyak si Cloud nang pisilin ko ang pisnge niya.
"Hala! Ang cute cute niya talaga!" Sabi ko dito, pinicturan ko naman ang natutulog niyang kambal na si Zoey.
Ang cute cute talaga nang kambal na 'to. "Hala! Cier ba't mo pina-iyak!" Galit na sigaw sakin ni Sky na mukha nang zombie ngayon.
"Pasaway ka talaga! Ang hirap nanaman patulugin nito. Huhu!" Reklamo nito atsaka kinarga ang anak niyang si Cloud.
And yes! It's Sky and Chloe's twins! The 5 month old Cloud Denver and Zoey Comande! They're so cute kaso baliktad dahil si Cloud kamukha ni Chloe at si Zoey naman ay kamukha ni Sky.
"Sorry naman kasi, nang gigigil ako eh, ang cute. Kaingit!" Sabi ko dito. Ngumuso naman siya at dahan dahan na nilapag sa crib si Cloud na mahimbing nang natutulog.
"Hay nako! Mag kakaron ka na nga nito eh, diba kabuwanan mo na ngayon?" Tanong niya. Ngimiti ako at tumango atsaka hinimas ang tiyan kong malaki na. "Diba delikado? Di ka nanaman nag paalam sa fiancé mo 'no! Alas tres na nang madaling araw oh!" Sabi nito.
Ngumuso ako. "Eh kaboring naman kasi doon sa bahay eh. Wala si Kail, nasa work pa." Sabi ko habang nakanguso.
"Sige bahala ka, tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha? Tsaka wag kana maingay! Gumagawa pa kami nang isa ni Chloe hehe—Aray!"
"Anong gumagawa nang isa huh!?" Natawa na lang ako nang biglang batukan ni Chloe si Sky.
"K-kanina ka pa diyan? Hehe." Sabi ni Sky habang hinihimas ang ulo niyang binatukan.
Tinarayan naman ni Chloe si Sky at ayun nag away sila sa mismong harap ko, kaya tawa ko nang tawa ngayon.
"Hahahaha—A-ah.. Aray. Shets!" Napahawak ako sa tiyan ko nang biglang sumakit ito. Sabay na Napatingin si Sky at Chloe sakin.
"H-hala! Mal! Bilisan mo! Yung kotse! Yung kotse!" Nag simula na silang mataranta at nagising ang dalawang bata't nag iyakan. Ako naman ang pawis na pawis na dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"A-aray!" Reklamo ko.
"S-sandali lang Cier! K-kaya mo yan!" Sabi ni Chloe habang buhat ang dalawang bata. Gusto ko sanang mamangha kaso sobrang sakit na talaga.
"Dali na! Bilis!" Mabilis akong binuhat ni Sky palabas at papasok sa sasakyan nila. Sumunod naman si Chloe buhat ang dalawang umiiyak na bata.
Mabilis na pinatakbo ni Sky ang kotse papuntang ospital at si Chloe ay busy sa pag papatahan nang dalawang bata. Nako! Jusko naman!
Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad naman akong inassist nang mga nurse.
Di na maganda ang pakiramdam ko, bumibigat na ang mata ko at sobrang sakin na nito.
Di ko na alam ang mga sunod na nang yare dahil sa sakit na nararamdaman ko. "Cier?! Cier??!" Nabuhayan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses niya. Agad akong lumingon sa gawing kaliwa at nakita ko si Kail na naka gown.
Madali siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. "Kaya mo yan ha? Nandito na ko." Sabi nito at kiniss ako sa noo.
Ngumiti ako at tumango at buong lakas na ginawa ang pagsubok.
*****
"Uwaah! Uwaahh! Uwaaahh!" Iyak nang batang nag bigay buhay sakin.
"Here is it, your healthy and handsome baby boy." Lalo lumaki ang ngiti ko sa labi nang makita ko ang anak ko. Inilapag ito sa aking dibdib at di ko mapigilang maiyak.
"Kamukha mo Kail." I said. Pinatong ni Kail ang ulo niya sa dibdib ko.
"My son, I'll promise to take care of you... I love you.." Kail said then he kiss our son's forehead.
******
"Hala kamukha nga ni Kail! Yung lips lang ni Cier nakuha niya eh, tsaka sobrang puti naman nito Cier! San mo ba 'to pinag lihi!" Sabi ni Shy. Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Ang gwapo gwapo! Hihi!" Puri pa ni Shy dito.
"Nako honey mas gwapo pa magiging anak natin diyan, diba baby boy!" Sabi ni Yuki at kiniss pa ang tiyan ni Shy, and yes they're back together.
"Guys! Guys! Guys!" Nagulat naman kami nang biglang pumasok si Sky. Nagising tuloy ang tatlong bata sa loob kaya ayun, kinaltukan ni Chloe at Kail. "Eh, sorry na! May balita lang kasi ako! Nanganak na rin si Yra!" Masayang sabi nito.
Nanlaki ang mata ko't nagulat habang ang iba ay nag didiwang. "Don't be surprise, sinugod din dito si Yra kanina while you're sleeping." Sabi nito.
"Talaga? Anong oras ba pinanganak si baby?" Tanong ko. Mukhang nag isip naman siya. 10 hours din akong nag labor.
"Mmmm, 1AM." Sagot nito. So that means magkabirthday sila? I smiled at tinignan ang baby ko na karga ni Kail. He's really cute.
"My son... I'll promise to stay by your side, forever..."
~
YOU ARE READING
She's the one: Kailyfer Kim
Novela JuvenilKailyfer Canxhe Kim (1) Original Date: ♕ September 09 2017 ♛ February 26 2019