CHAPTER 28

117 10 0
                                    

[:Chapter 28:]

-CIER'S P.O.V-

Umuwi ako nang lutang, gutom, antok at nawiwindang sa nanyare kanina pero agad na nagising ang diwa ko nang maka-amoy ako nang sunog at ang loob nang condo ay napupuno na nang usok.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na nagtungo sa kusina. "Hala Shy! Patayin mo yung apoy! Bilisan mo!" Naabutan ko yung dalawang nasa gilid at may hawak pang takip nang kaldero si Shy at parang ginagawa niya itong panangga.

Napatingin ako sa kawaling umuusok, maging ang kawali ay sunog na sunog na. "Anong nanyare dito?!" Sabay silang napatingin sakin na may gulat na mukha.

"Tsk, kasi naman Shy eh, dapat talaga di ka na nag luluto, buti at di mo nasunog ang bahay." Sabi ko habang nililinis ang kalat na ginawa nila dito sa kusina.

"Eh kasi naman eh, gusto ko lang namang bumawi sayo, kasi naman... Nag sekreto ako sayo..." Pabebeng sabi nito.

Bigla ko siyang tinignan at pinanliitan nang mata, napayuko naman siya at parang nahihiya. Sumandal ako sa may sink at nag cross arms pa. "Anong meron sa inyo ni Yuki? Kelan pa yun?" Deretsyahang tanong ko.

Tumayo na din si Yra na kaninang nakaupo doon sa dining table at nakisali sa usapan namin. "A-ano kasi... Kami na.. Nung isang linggo lang.." Nakangusong sabi nito.

Ngumiwi ako. "Pano nanyare 'yon? Halos di naman namin napapansin kayong dalawa ni Yuki, di naman kayo nag papansinan." Sabi ni Yra.

"Eh kasi classmates kami sa ibang subject tapos dun kami madalas mag kausap, tapos ayun.. Naka-developan." Nilaro niya yung buhok niya na parang baliw.

"Eh pano naging kayo?" Tanong ko. Tumingin siya sakin tapos ngumiti siya at namula pa ang mukha niya.

"Edi iyon, umamin ako, umamin din siya. The feeling is mutual, edi kami na!" Kinikilig na sabi niya. Napa-iling na lang ako.

Di ko alam kung seryoso ba si Yuki sa kanya, pero subukan niya lang saktan ang kaibigan ko, matitikman niya ang kamao ko.

Nag luto na lang ako nang panibagong ulam para sa hapunan, hinanda ko iyon agad dahil pare-parehas kaming gutom nang kasama ko, kaso nairita ko sa usapan nilang love life kaya nairita ko at binilisan ang pag kain para makatulog na.

Dumiretsyo agad ako sa kwarto para matulog, agad din naman akong nakatulog dahil nga puyat ako at walang tulog sa mag hapon.

-KAIL'S P.O.V-

Kinabukasan ay maaga akong gumising at talagang papasukan ko ang boring na subject sa umaga, kailangan kong gawin 'to dahil kailangan kong mag bago.

Napagdesisyonan ko na dahan dahanin ang paraan nang pag papakita ko nang feelings kay Cier nang sa gayon ay di siya mabigla.

Inayos ko ang damit ko at nag pabango nang todo, Maaga akong pumasok kaya di pa nag sisimula ang klase. Pumunta muna ko sa tambayan at na-abutan ko ang dalawa doon, nagtaka pa ko dahil nakita ko si Shy doon, nag lalandian sila ni Yuki.

Napangiwi naman ako, sige mang inggit pa. Tss. Umupo ako sa tabi ni Stair. "Oh, walang babae ngayon Kail?" Tanong ni Yuki nang mapansing wala akong kasama, humalakhak pa ito pagkatapos sabihin iyon.

"Oh? Eto na ba ang pag babago? Mamamatay ka na ba Kail? Haha!" Naibato ko tuloy sa kanya yung sapatos ko. Napangiti ako at umiling-iling.

Napatingin ako kay Stair na nakikitawa samin, napatingin siya sakin ngumiti siya at tinanguan ako.

Sana nga lang at totoong gusto ako ni Cier.

"M-Mr. K-im?" Halos manginig sa takot ang prof namin nang pumasok kami nang late.

Huminga ako nang malalim, kailangan kong gawin 'to. Ngumiti ako na ipinagtaka nang lahat. Narinig ko ang pigil na pag tawa ni Yuki sa likod ko, gusto ko tuloy siyang batukan.

"Sorry Prof, late kami ngayon. Sana po pag bigyan niyo kami. Di na po mauulit." Sabi ko at bahagyang iniyuko ang ulo para gumalang.

Nalaglag naman ang panga nang lahat at si Yuki sa likod ko ay humagalpak na sa kakatawa, ngiti-ngiti lang na umiling si Stair at nauna nang pumasok.

Sumunod sa kanya si Yuki na namumula na sa kakatawa. "Nice bro." Bati nito.

"S-sige.. C-come in." Ngumiti ulit ako at tumango kay Prof, pumasok na ko sa loob at tumabi kina Yuki.

Nakinig ako sa Prof namin ngayon pero halos di ito makapagturo nang ma-ayos dahil wala ito sa sarili niya, pati nga ang mga kaklase ko maliban kina Stair at Yuki ay bigla parin sa nanyare kanina.

Hay, aasahan talaga ang bagay na 'to.

~

She's the one: Kailyfer KimWhere stories live. Discover now