CHAPTER 56

82 8 0
                                    

[:Chapter 56:]

"W-what?" He weakly said. Napaluhod siya at nag papatuloy ang pag agos nang luha niya.

Napaiwas tingin ako. "Enough with this drama Kail, I'm done with this. Please stop now, you already won.. I'm hurting now..." Pinunasan ko ang takas na luhang tumutulo sa pisnge ko.

Napatingin ako sa kanya. Nakaluhod siya at nakayuko, patuloy ang pag patak nang mga luha mula sa mata niya. "Aren't you happy? I'm hurting?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

Kinagat ko ang lower lip ko. "Bakit ako sasaya? Kung alam kong nasasaktan ang taong mahal ko." Napanganga ako.

Lalong dumami ang mga takas na luha ko, tumingala ako para pigilan ito. "I-I'm done here... We're over Kail, let's stop this shit!" Nag mamadali akong tumakbo palabas leaving Kail over there.

Di muna ako dumiretsyo sa amin, lumabas ako nang building, I run and run and run, not knowing we're I am going to.

I stop nang makaramdam ako nang pagod. Umupo ako sa may hagdan dito sa tapat nang isang building.

Nanatili akong nakayuko, pilit na pinipigilan ang luhang gustong kumawala mula sa mata ko.

Mukha akong kawawa ditong nakayuko habang suot parin ang school uniform ko. Pinunasan ko ang luha ko. Tama na 'tong katangahang 'to!

Pinunasan ko nang pinunasan ang luha ko pero di ito nawawala dahil patuloy ang pag tulo nito. Walang tigil.

"Miss, here take this." Nagulat ako nang may biglang mag salita sa tapat ko. Unti unti kong inangat ang ulo ko.

Nakita ko ang isang malinis na puting panyo sa harap ko. Parang inaabot ito sakin. Kahit na nahihiya ay kinuha ko parin ang panyo iyon.

Pinunas ko ito sa mukha ko, napakabango nito at amoy mayaman. Nag angat tingin lang ako nang masigurong okay na ako.

Napakunot ang noo ko nang makita ang naging reaksyon nito, nung una ay mukhang nagulat siya pero maya maya lang ay kumunot ang noo niya.

Sa ginawa niya, napansin ko ang mga mata niyang napakapamilyar sakin. Tinignan ko ang kabuoan niya. Nakasuot siya nang tuxedo at may hawak na suitcase sa isang kamay niya.

Maputi at napakagwapo niyang tignan. Tinignan ko ulit ang panyo at nag dadalawang isip kung ibibigay ko pa o hindi na?

"Sayo na yan." Biglang sabi nito, siguro ay napansin ang pag kalito ko. Nakayuko lang ako.

"I'm sorry, but I can't stop myself from asking. Did something happen? Why are you crying?" Tanong nito.

Di ako sumagot, wala akong balak mag open up sa isang estranghero, ayoko mag mukhang mahina.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya. "Okay, If you don't want to tell.. Just don't cry, I'm sure he's hurt too.." Di ko na narinig ang huli niyang sinabi. Nakita ko na lang na papasok na siya sa building. Muli ko siyang nilingon.

Tinitigan ko lang ang likod niya. He looks familiar.

*****

Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob, nakapatay na ang mga ilaw at ang ilaw na lang sa kusina ang bukas.

Sinarado ko ang pinto at tuluyan nang pumasok, tahimik at mukhang natutulog na sila.

Tinignan ko ang wall clock. 4:12 AM na, mamayang 6 ay susunduin pa ko ni Sky. Bumuntong hininga ako at umupo sa sofa.

Siya nga pala ang escort ko, bakit ba kailangan pang manyare ang bagay na ito?

I thought he really love me... Sobrang bigat nang nararamdaman ko at parang gusto kong umiyak pero wala nang luha pang lumalabas sa mata ko. Tumayo ako at pumunta sa kusina para uminom nang tubig.

Sumandal ako sa sink matapos kong uminom natulala ako sa kung saan hanggang sa bumaba ang tingin ko sa panyong inilapag ko sa lamesa.

Inabot ko iyon at tinitigan. Napakapamilyar nang lalakeng ito sakin, lalo na ang mga mata niya.

Binuka ko ang panyo at nahinto ako nang makitang parang may nakatahi dito. Mabilis ko iyong tinignan.

May isang pangalan na nakatahi sa panyong ito...

KIAL

~

She's the one: Kailyfer KimWhere stories live. Discover now