CHAPTER 06

534 21 0
                                    

[:Chapter 06:]

Kail's P.O.V

Hinarangan naming tatlo sila Cier at Yra.  Narinig kasi namin silang nag uusap. Napatingin ako kay Cier na nakabusangot nanaman ang mukha.

"Ano nanaman ba yun?" Tamad na tamad na sabi niya.

"Ba't ayaw nyo sumabay samin? Swerte nyo nga kayo na ang inaya eh." Sabi ko.

"Oh? Swerte ba yun? Para sakin malas eh. Malas ka kase eh! Kaya kung pwede ba lumayas kana sa paningin ko! Nasisira ang araw ko sayo eh!" Inis na sabi nya. Naramdaman kong natatawa si Yuki kaya nikingon ko sya.

"Ay sorry! Malas ka daw kasi eh!" Sabi nya at nagpigil ng tawa.

Dumaan sila sa gilid namin. Hayyss bat ba ang hirap mo. "Ay! Inaaway nyo mga friends ko!" Sabi ni Chloe.

"Hindi kaya. Inaaya nga namin eh." I said.

"Di naman pumayag. Malas ka raw kasi! Hahaha!" She said then umalis. Sumunod siya doon sa dalawa. "Yah! Sama ako! Sainyo na ko sasabay!" Sigaw nito sa kanila.

"Ano p're suko kana?" Natatawang sabi ni Yuki.

"Tss.. Makukuha ko rin sya." I said. Nauna nakong mag lakad papapunta sa tambayan.

"Yuki! Andami naman nito! Mauubos ba natin 'to?" Sabi ko. Pano ba naman parang may piyesta dito andami ng pagkain tatlo lang naman kami.

"Edi pag di na ubos pakain na lang natin sa mga Janitor o sa guard." Sabi ni Yuki. Tss... Bahala na nga.

Kumain na lang kami ng kumain at gaya nga ng sinabi ni Yuki. Pinakain namin sila. Baka pagod na rin sila kaya pinagpahinga muna namin sila. Iniwan namin sila doon at pumunta na sa klase ko.

Ako lang mag isa sa class ko ngayon. Nag punta na ko room at syempre gaya ng dati sinipa ko ulit yung pinto at nagulat yung prof namin pero binati din naman agad ako pumasok ako then...

Nakita ko nanaman sya. Sa likod nanaman siya nakaupo. Hinayaan ko lang siya at umupo sa pinaka dulo. Magkabilang dulo kami. Meron pa kasing 4 na bakante na upuan.

"Oh may bakante pa dito oh! Apat pa! Dito na kayo umupo!" Biglang sigaw ni Cier. The hck?! Seriously?! Magsasalita na sana ko pero tinignan nya ko na para bang pinag babantaan na para bang ipapahiya nanaman ako kaya hinayaan ko na lang.

Nagsitakbuhan mga babae dito nag una unahan pero at the end 4 lang ang nakaupo.

"Hi Kail.... " Malanding sabi ng katabi ko. "Im Jenny.." Sabi nito then she touch my lips at dahil na iinis na ko sa kalandiang taglay nitong babaeng 'to. Ginawa ko ang gusto nya.

She's the one: Kailyfer KimWhere stories live. Discover now