CHAPTER 46

86 10 0
                                    

[:Chapter 46:]

Napuyat ako kahapon kaya nag mumukha na kong walking zombie ngayon, di ko na lang pinapansin ang mga nadadaanan kong masama ang tingin sakin.

"Ow! Look who's here?" Nabaling ang atensyon ko sa nakakabwiset na boses na iyon.

Nakita ko si Lianna at yung mga payasong kasama niya. Tinitigan ko lang sila. "You btch! Kala mo palalampasin namin yung ginawa mo samin ha?!" Sigaw nito.

Lumapit siya sakin at akmang itutulak na ko pero may biglang humatak sakin palayo sa kanila. "Lianna, Stop this." Seryosong sabi ni Kail sa kanila.

Tinago pa ko nito sa likod niya. Ah so kilala niya pala 'tong mga payasong 'to? "Kail?! Are you serious?!" Tanong pa nito. Napairap ako.

"Bakit mo ba prinoprotektahan yang panget na babaeng yan?! Huh?! Gusto mo talaga siya? Baka naman ginayuma ka niya!" Sigaw nito na lalong ikanaikot nang mata ko.

"Tss. Lianna, stop this. Kahit anong gawin mo, di kita magugustuhan! I like her, and no one can change it!" Sigaw nito at hinatak ako palayo sa kanila.

Mahigpit ang hawak niya sa braso ko kaya alam kong inis siya. "K-kail, masakit.. Yung k-kamay mo.." Napatigil naman siya nang sabihin ko iyon.

Humarap siya sakin, humupa na ang pag kainis sa mukha niya, kumalma siya at hinawakan yung braso kong hawak niya kanina.

Sinuri niya iyon at mamula mula na ito. Bumuntong hininga siya at tumingin sakin. "Sorry." Tanging sinabi niya. Nag titigan kami nang ilang segundo at muli siya nag salita. "Ginugulo ka ba nila? Kailan pa?" Kalmadong tanong niya.

Umiling lang ako, wala akong balak mag sumbong sa kanya, kaya ko naman ang sarili ko eh. Huminga siya nang malalim at kumalma. "Halika na." Yaya niya at hinawakan nang maluwang ang braso ko.

Kakambal 'to nag pag mamahal ko kay Kail, ang mga sakit na makukuha ko sa mga babaeng nag hahangad din sa kanya.

Dumiretsyo kami sa room at lahat sila nakatingin sa kamay ni Kail na nakahawak sa braso ko, bakas naman ang ingit nang lahat nang babae at binabae sa nakita nila.

Naupo kami sa upuan namin at si Kail di parin binibitawan ang braso ko. "K-Kail.. Bitawan mo na ko." Bulong ko sa kanga. Napatingin siya sakin.

Seryosong seryoso ang mukha niya. "No, I won't let you go." Napayuko naman ako. Nakakahiya mang sabihin pero, Oo. Kinilig ako sa sinabi niya. Tss. Ibang klase na talaga ang tama ko.

Dumating na ang Prof namin at nag start nang class and the whole time nakahawak lang si Kail sa kamay ko, oo sa kamay ko na. Nilalaruan niya pa nga ito kaya nakikiliti ako.

Nag dismiss na si Prof at agad niya kong hinila palabas, di na nga kami napag-paalam pa sa iba eh.

"Saan tayo pupunta, Kail?" Tanong ko. Kanina pa kasi niya ko hinihila.

"Basta, sumunod ka lang." Sabi nito. Well, may choice pa ba ko? Eh hinihila niya na ko? Tss.

Nag pahila na lang ako sa kanya at napansin kong palabas kami nang university. "Kail lalabas tayo? 30 minutes lang ang vacant time natin." Sabi ko sa kanya pero di siya nag salita.

Hinila niya lang ako hanggang sa makadaan kami sa maliit na eskinita di kalayuan sa university.

Tahimik sa lugar na ito at walang tao sa paligid, malinis ang lugar at mukha walang nakatira na kung sino. May malaking bahay nga dito pero napakatahimik. "Kail, asan tayo?" Tanong ko dito.

Ngumiti lang siya. Pumasok kami sa gate nang malaking bahay. Naisip ko nga baka trespassing na kami eh kaso naisip ko rin, si Kail? Mag tretresspass?

Kumatok siya sa bahay na ipinag taka ko. So may tao dito? Ilang beses siyang kumatok bago ito buksan nang isang matandang babae.

Nakakunot ang noo niya nang makita si Kail. "Hi po Nay Susan, ako po ito, si Kail." Nakangiting bati nito. Bigla namang nagliwanag ang mukha nang matanda.

"Nako Kail, Ikaw pala iyan, pasensya na at di kita nakilala, tumatanda na rin kasi at nakakalimot." Nakangiting sabi nito. Napatingin naman sakin ang matanda. "Oh, eh sino pala itong kasama mo rito?" Tanong pa nito habang nakatingin sakin.

"Ah si Cier po pala, girlfriend ko." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kail, girlfriend agad?! Di ko pa nga siya sinasagot?

Natuwa naman yung matanda kaya di na ko kumontra pumasok kami sa loob nang bahay at isa isang kinatok ni Nay Susan ang kwartong nadadaanan namin. Nag taka naman ako.

"Anong ginagawa niya?" Tanong ko kay Kail. Di siya sumagot, sa halip ay ngumuti lang siya.

"AHHHH!" Nagulat ako nang biglang lumabas ang napakaraming bata mula sa kwartong kinatok ni Nay Susan.

Lumapit sila kay Kail at nag si yakapan, natulala ako, ang iba ay hinila ang damit ko at niyayakap din ako. Tulala akong tumingin kay Kail na nakangiti dahil sa gulat sa mukha ko.

"Special Child sila Cier." Nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa paligid, halata sa iba na mga pipe sila kaya pala napakatahimik dito.

Nilaro lang saglit ni Kail ang mga bata at nilapitan si Nay Susan. "Pasensya na po Nay, bawal kami mag tagal. Iaabot ko lang po 'tong tulong ko." Sabi ni Kail at inabot ang isang white envelope.

Ngumiti su Nay Susan. "Nako salamag talaga Kail, kabait mong bata. Mag iingat kayo hane?" Tumango lang si Kail at tuluyan na kaming nag paalam sa kanila.

~

She's the one: Kailyfer KimWhere stories live. Discover now