CHAPTER 48

78 10 0
                                    

[:Chapter 48:]

"Saan ba tayo pupunta Kail? Napapagod na ko." Napatigil naman sa pag kaladkad sakin si Kail.

Kanina niya pa kasi ako kinihila, mabuti at naka rubber shoes ako. Tss. "Sige, upo muna tayo." Umupo naman kami sa isang bench dito sa park.

Di ko alam kung saan ako balak dalhin nang lalaking eto, akala ko nga eh sa mall kami pupunta pero hindi pala.

Nagpahinga lang kami saglit sa park at maya maya pa ay umalis din agad. Pumasok kami sa isang kilalang village, di ko nga alam kung anong trip ni Kail at di pa dinala ang kotse niya.

Kaunting lakad lang ang ginawa namin at nakarating kami sa isang bahay, may maid na sumalubong samin. Napakunot ang noo ko. "Sir Kail, buti po dumating kayo." Sabi nung maid.

Doon na ko nag hinala, tumingin sakin si Kail at hinatak ako papasok pero nag matigas ako at di nag pahila sa kanya.

Tsk! Ano bang trip niya?! "Cier? Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ni Kail at tumigil na sa pag hila sakin.

"Kail, seryoso ba 'to?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Ngumiti siya.

"Seryosong seryoso." Pag sabi niya nun ay hinatak niya ko nang buong pwersa kaya nasama ako sa kanya.

Kahit na ayaw ko, napapasok parin niya ko sa bahay nila, oo bahay nila. Kahit di niya sabihin, I've got this feeling..

Dinala niya ko sa kusina nila kung saan nandoon ang dining table. Natigilan pa ko nang lumipad ang mga tingin nang tao doon samin.

"Oh my! Kail! Glad you came!" Sabi nung Mom niya yata. Yumakap pa yung Mom nito sa kanya.

Ngumiti lang si Kail at hinila niya ko papunta doon sa dining table.

*****

Tahimik lang akong kumakain kasama ang pamilya ni Kail. His Mom and Dad and his Kuya Kial.

I could feel the tension here, I feel like they're not in good terms. "So, what's your name again?" Napatingin ako sa Dad niyang nag salita.

Sakin siya nakatingin, nakatingin din sakin yung Mom niya and yung Kuya niya. Lumunok ako. "Cierra Aguas." Sagot ko.

Napataas ang kilay nang Dad nito na ikinakaba ko. Nakaka-intimidate talaga tumingin ang Dad niya.

"Do you somehow know Mr. Cristian Aguas?" Tanong nito. Lumunok ulit ako.

"Y-Yes, He's my Dad." Sagot ko. Binaba niya ang tinidor niya at tumingin siya kay Kail.

"Great Kail, finally you've done something good." Sabi nito kay Kail. Napakunot ang noo ko.

"Tss. I'm not doing this for any one, specially not for you, I just love her. That's it." Walang ganang sabi ni Kail.

Napailing na lang ang Dad niya at kumain na lang ulit. Nag patuloy na lang akong kumain kahit na ilang na ilang na ko sa aura nang paligid.

*****

"Ouch! Para san naman yun?" Reklamo nito nang suntukin ko ang braso niya. Nakabusangot pa ito habang hawak ang braso niyang sinuntok ko.

"Bakit mo ko dinala dito?!" Naiinis na tanong ko.

"Masama bang ipakilala ang babaeng pakakasalan ko sa parents ko?" Nakangusong tanong niya.

Napaiwas tingin ako at nag pipigil na ngumiti, bakit ba ang landi landi nang lalakeng ito? Tsk.

Pinuntahan na namin ang kotse niya at hinatid niya ko pauwi, gusto niya pa nga mag stay pero tinaboy ko siya. Tss. Kainis siya eh.

****

Lunes ngayon at normal na araw lang sa pag pasok ang nanyare, kasabay ko si Shy sa pag pasok dahil tinatamad akong mag drive habang si Yra naman ay sinundo ni Stair.

I don't know what's with them, pero ramdam ko at alam kong may something. Tahimik lang kami buong biyahe papunta sa school.

"Mauna kana Cier, CR lang ako." Paalam nito sakin tumango lang ako dito at nauna nang mag lakad papasok sa university.

Di pa man ako nakakarating sa building, hinarang na agad ako nang mga payaso. Ano bang problema nila at lagi na lang akong ginugulo.

Walang gana ko lang silang tinignan. "Ano nanaman bang problema niyo?" Walang gana kong tanong.

"Ikaw! Feeling ka kase! Porque ba pinagtanggol ka ni Kail nung nakaraan huh?! Sa una lang yan! Iiwan ka rin ni Kail!" Sigaw nito sakin.

Sinimangutan ko siya. "Tss, pwede ba Lianna, tigilan mo na ko. Wala ka nang magagawa. Sinabi niya na. He loves me and he won't leave me and I'll prove you that."

~

Author's Note:

Sorry kung di nakapag update for 2 weeks, wala kasing wifi or data! Lam na poor eh. Haha, so ayun. May pambawi namang chapters. Yun lang! 12 or 13 chapters to go na lang!

-Hopeey

She's the one: Kailyfer KimWhere stories live. Discover now