CHAPTER 41

100 8 0
                                    

[:Chapter 41:]

"What happened to you Cier? Di ka kasi nag iingat eh!" Sabi ni Chloe sakin, nandito ang tatlong babae ngayong lunch.

Dito daw sila mag lulunch para may kasabay ako, si Chloe lang ang daldal nang daldal sakin habang si Yra ay tahimik, as always at nakakapanibagong pati si Shy, well, I know the reason behind it.

Di rin ako nag sasalita dahil di ko maintindihan si Kail, he just rejected me tapos gagawa siya nang mabuting bagay sakin? Pinapaasa niya ba ko?! Gusto niya ba talaga ko saktan?! Tss.

Binigyan lang ako ni Chloe nang makakain ko at kinain ko rin naman iyon kahit wala akong gana.

Si Chloe kasi mapilit. Mabilis lang rin natapos ang lunch at nag si alisan na rin sila.

KAIL'S P.O.V

Papasok ba ko? O hindi? Hay! Kanina pa ko pabalik balik sa tapat nang clinic at nag dadalawang isip kung papasok ba ko o hindi!

Di ko rin kasi masabi ang gusto kong sabihin sa kanya dahil di ko alam kung pano ko sisimulan!

Twenty minutes na mula mag dismiss ang last class ko at kanina pa ko nandito.

*creak*

Napalingon ako sa pinto nang clinic nang bigla itong bumukas. Nataranta naman ako nang makita si Cier. Mukhang nagulat pa siya nang makita ako.

Wala nag aalalay sa kanya tumayo na siyang kinainis ko, gusto ko sana pagalitan yung nurse kaso pinigilan ko ang sarili ko.

"K-Kail? Anong g-ginagawa mo d-dito?" Tanong nito sakin, nataranta naman ako't nag isip nang dahilan.

"A-ah, I just pass by." What Kail?! Anong klaseng dahilan yun?! Tss.

CIER'S P.O.V

Pass by? Bakit naman siya mapapadaan dito? Gusto ko sanang itanong kaso nanahimik na lang ako.

"Ah." Tanging sagot ko. Isinara ko na ang pinto at tuluyan nang lumabas, inalalayan ko ang sarili kong lumalad since wala namang tutulong sakin.

"Tsk." Nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay sa bewang ko. Napatingin ako kay Kail na seryoso lang at kinuha ang bag ko at sinukbit sa kabilang balikat niya.

Pinaakbay niya ko sa kanya at inalalayan akong mag lakad, gusto kong mag reklamo pero parang naputol ang dila ko.

Hinayaan ko siyang alalayan ako papunta sa parking lot. "I'll drive you home." Suggest nito, pero tumanggi ako.

"Ah, No thanks. Kaya ko na." Sagot ko.

Bumuntong hininga siya. "Okay." Tanging sagot niya at dineretsyo ako sa sasakyan ko.

Inilagay niya ko sa driver's seat at iniwan ang bag ko sa back seat matapos ay iniwan niya rin ako at nag punta sa kotse niya.

What?! Yun na yun? Walang pilit pilit?! He's unbelievable! Argh!

Inis akong nag simulang mag drive, medyo nahihirapan nga ako dahil sa paa ko eh, pero kinaya ko naman.

KAIL'S P.O.V

"Sh*t!" Sigaw ko sa inis sa sasakyang humarang sa pagitan namin ni Cier. Di ko na tuloy matanaw yung sasakyan niya! Ang yes, I'm following her right now.

Kung ayaw niya mag pahatid, edi susundan ko na lang siya! Problema ba yun?

Pilit kong sinisilip ang sasakyan ni Cier at nang sa wakas ay umalis na rin sa pagitan namin ang nakakainis na kotseng iyon.

Sinundan ko ang sasakyan niya hanggang sa makarating kami sa condong di kalayuan sa condo na tinitirhan ko.

Oh? Dito siya nakatira? Pinark ko ang sasakyan ko malayo sa sasakyan niya. Di muna ako bumaba para di niya ko mapansin.

Medyo natagalan bago siya makalayo dahil iika ika siya mag lakad, I wanted to help her pero ayokong malaman niyang sinundan ko siya.

Nakapasok na kami sa loob nang building and she's about to enter the elevator, at tsaka ko lang naisip kung pano ko malalaman ang floor niya kung di ako pwede sumabay sa kanya sa pag pasok?

Tsk! Wala na ko nagawa nang tuluyan na siyang makapasok sa elevator. Napasimangot na lang ako at nag isip nang paraan.

Napatingin ako doon sa mga babae sa front desk na kanina pa nakatingin sakin. Ngumiti ako.

Mabuti na lang talaga at may pakinabang ang kagwapuhan ko. Lumapit ako sa kanila, wearing my seductive smile.

Nang makalapit ako, di naman sila mapakali at ang mga ngiti nila ay abot hanggang tenga.

Nangalumbaba ako at tumingin sa nababaeng kaharap ko. Tinignan ko ang name tag nito.

I smiled. "Hi, Keil." Bati ko dito, nagulat naman ito at namula.

"A-ah, Hi.. K-Kail.." Di mapakaling bati nito. Di na ko nagulat kung kilala ako nito.

"Mmm.. Pwede bang humingi nang pabor?" Tanong ko dito. Lalo naman kinilig ito.

"Oo naman. Ano ba yun?" Masiglang sabi nito na lalo kong ikinangiti.

"Pwede mo bang sabihin ang room number ni Cierra Kill Aguas?" Tanong ko dito.

"Ay Sir Kail, sorry po pero di po kami pwedeng mag bigay nang kahit anong impormasyon sa inyo.." Malambing na sabi nito.

Nag pout naman ako. "Ah, ganun ba? Sayang naman.." Kunyaring nang hihinayang na sabi nito.

"Sige, aalis na lang ako." Kunyareng malungkot na paalam ko.

"Ayy.. Sige na nga. Ibibigay ko na." Agad naman akong bumalik sa kanya.

Tss. Lakas talaga nang charms ko. "Room 511 po." Sabi nito.

"Mmm.. Sige salamat." Sabi ko dito at tuluyan na kong nag paalam sa kanila.

~

She's the one: Kailyfer KimWhere stories live. Discover now