TAGUAN
Bakit ba ang hilig nating magtago?
Magtago kung saan hindi nakikita ang totoo
Totoong nararamdaman para sa isang tao
Ano bang nakukuha natin dito?
Noon, hindi naman talaga ako naniniwala sa pag-ibig na totoo
Pinagdaanan ang naging dahilan upang ito'y limutin ko
Ang alam ko noon ay hindi lahat ng taong nagmamahalan ay magsasama ng habang buhay
Na kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't-isa ay hindi naman ito nagtatagal
Simula noon, ito ay kinakatakutan na pagdaanan
Sino bang hindi matatakot, diba?
Kung lahat ng kwentong narinig ay merong 'sakit' na salita tungkol sa pag-ibig
At kung lahat din ng taong nasa paligid ay iniiyakan ang pag-ibig
Alam kong ito'y hindi madali
Ang sakit na kanilang nararamdaman ay hindi madali
Na paggising bukas ay napapawi
Ito'y umaabot ng kahit ilang taong pagkasawi
Bakit natutunang magtago?
Dahil sa mga kwentong nadidinig ko
Ito ay naghatid ng takotTakot akong umamin dahil baka'y sakit lang ang dulot
Natatakot akong sumugal
Sumugal sa isang bagay na hindi sigurado
At mapaglaruan ang nararamdaman
Gamitin ito sa akin sa kahit kailan
Ngunit, akala ko ay iniwawaksi ko lamang ang sarili ko sa sakit
Matindi pala itong pagkakamali
Dahil sa pagtatagong ito ay mas nakakaramdam ako ng sakit
Sakit na hindi ko alam kung mapapawi
Tuwing siya ay nakikita
Nakikita na may kasamang iba
Parang tinutusok ang pusong sawi
Ang pagtatago ko bang ito ay mainam?
Isang pagkakataon na dapat ay sinabi ay hindi na maibabalik
Pagka't siya'y masaya na
Ang layo na ng narating niya
Wala naman sigurong magbabago diba?
Hindi masusuklian itong nararamdaman at ako'y maiiwan parin dito.
-Syrill 🖤
YOU ARE READING
An ink for words
PoesieI decided to just create a creative naration of what I'm feeling about someone or about what I feel towards the day. Not forcing you to read it but maybe you could relate 😊