Hinaing

15 0 0
                                    

I cried while writing this poem. Maybe because I anchored it so much with what I feel, how sad and angry I am and how I badly want myself to do something. I've been wanting to write something out of an inspiration from a K-Drama I recently watched which is entitled as Fight For My Way, the movie was too heartbreaking and for some reason, I could feel myself wearing the same brand of shoes they are wearing, their hardships were like mine in a way on how uneven others were. So this is me venting out.

HINAING

Mas nanaisin kong masaktan

Lalo na kapag ito'y hango sa katotohanan

Noon pa man, ayaw na ayaw ko ng isang tao,

Na magaling magbago ng anyo at manloko.

Nakakasuka ang pinapakitang ngiti at kabaitan

Na sya namang nagbabago kapag ika'y hindi na kaharap

Ito'y syang katangian ng isang taong taksil at mapagpanggap

Mga taong gustong-gusto kong sampalin at murahin.

Kung sana lamang ako'y matapang

Walang kinakatakutang sino mang nilalang

Handang isaksak pabalik ang patalim

Duruan at sabihan ng, "Wala kayong alam."

Masakit masabihan ng mga salitang nakakasakit

Ito'y naglalakra sa aking puso at naghahatid ng pait

Mahirap pagka't alam mong sariling kadugo mo ang nanakit

Ganyan na pala ngayon ang mundo kahirap at pait?

Sinong mag-aakala? Mga taong dapat pagkatiwalaan mo

Ang taong maghahatid sa'yo ng aral na lahat ng tao'y sa huli'y magtataksil sayo

Minsan naiisip ko, dahil ba mahirap lamang ako?

Kaya'y akala nila'y okay na tapaktapakan lamang ang pagkatao ko.

Nalimutan naba ng iba ang salitang makatao?

Na dapat tratuhin ang bawat isa ng pantay at walang dehado?

Bakit tila nagbago na ang galaw ng mga tao lalo na ng mundo?

Tinatrato ang iba ng maganda at parang iba naman ang trato sa kadugo.

Ako'y nasasakal na, nakakasakal ang pagiging ako

Hindi kayang tratuhin ang pamilya ko na isang tao

Ang sakit na kanilang dinaranas ay iniinda ko
Lahat nang iyon ay kargang-karga ko.

Ang bigat na, parang dinadaganan na ako ng problema ng mundo

Hindi ko na kayang magpatuloy sa agos ng buhay na ito

Gusto ko nang magpahinga, gusto ko ng huminto

Pagka't parang hindi ko na kayang manatili pa sa mundong tanging paghihirap lamang ang iniinda ko.

Tama na, maawa naman kayo

Tama na! Ayoko ng makadama pa ng panibagong sakit at gulo

Tama na! Sapagka't ako'y pagod nang umintindi at umunawa

Kahit ngayon lang din, ako naman sana ang intindihin at unawain

Kahit ngayon lang, itigil ninyo itong pananakit.

-Syrill 🖤

An ink for wordsWhere stories live. Discover now