KWENTO NG AKING BUHAY
Isang tao ngunit marami-raming kwento
Kwentong nais ipahayag sa mundo
Nagbabakasakaling ako'y maintindihan niyo
Ito ay kwento ko tungkol sa buhay na ito.
Ako'y ipinanganak at ito'y pinasasalamatan ko
Pagka't namulat ako sa magaganda na hatid ng mundo
Ngunit sa paglipas ng panahon, ang mabuhay ay kinamumuhian ko
Sapagka't sakit at pighati ang naging hatid rin nito.
Ako'y hindi pinalad, magkaroon ng buhay na kahit nalalapit lamang sa perpekto
Ito ay kakaiba sa buhay na gustong-gusto ko
Itong buhay na ito ay punong-puno ng gulo
Ilang beses ko nang gustong takasan ang lahat ng ito.
Away, pagsisihan, iyakan, sigawan ay parating naririnig ko
Matatawag pa ba itong tahanan kung ito ay hindi dama ko?
Pamilya na sanang sumbungan mo sa lahat ng sakit na nadarama mo galing sa labas na mundo
Ngunit sa lugar ko, ito ay hindi ganito.
Ang pamilya ko mismo ang nakapagdama sa akin ng sakit na labis na ininda ko
Kaya ang mga pighati at sakit na nadama ko ay nananatiling nasa loob ko
Walang masabihan sapagka't sila ay may kanya-kanya ring mga hinaing na parating rinig ko
Kaya sinong makikinig sa kwentong ihahatid ko?
Ako rin ay natatakot na baka kapag ito'y isatinig ko
Hindi ako maiintindihan ng mga tao
Sasabihan na wala akong karapatan na makaramdam ng ganito
Na sobra lang ang mga nararamdaman ko.
Pinanganak rin ako sa isang estado na ang mga tinig namin ay hindi pinapahalagahan ng ibang tao
Sapagka't ako'y hindi mayaman, lumaking isang mahirap lamang ako
Binansagang mababa ng lipunang ginagalawan ko
Kaya kahit anong mga nararamdaman at hinaing ko
Ako'y wala ring karapatan para rito.
-Syrill 🖤
YOU ARE READING
An ink for words
PoesíaI decided to just create a creative naration of what I'm feeling about someone or about what I feel towards the day. Not forcing you to read it but maybe you could relate 😊