My mother's day entry for my supermama. 💐
Tula para kay Mama 🌹
Sa pinakamamahal naming ina,Hindi mo man parating marinig
Mga salitang pasasalamat mula sa aming bibig
Kaya'y sa halip na ito'y aking bigkasin.
Ito 'y aking isasatitik na lamang, nagbabasakaling ito ay iyong mabasa
At sana'y hindi kayang ikubli ng iyong mga mata ang hatid nitong tuwa at saya
Sapagka't akoy kilala mo, ako'y hindi palasalita
Ngunit ay nagbabasakali na ang pagmamahal ko parin sa iyo ay damang-dama.
Mama, apat na titik na syang nagmamay-ari ng hindi birong katapangan
Katapangan na ibuklod ang bawat miyembro ng pamilya sa ating tahanan
Isang tao, ngunit napakaraming karakter ang kayang gampanan
Maibigay lamang ang aming mga pangagailangan.
Mama, ako'y pinahanga mo sa mga sakripisyong iyong isinagawa
Sa pagbibigay gabay at pagmamahal ng walang sawa
Kaya sana'y iyong malaman na ang mga payo na iyong ibinigay
Asahan mong ito ay magiging at gagawin na gabay
Sa daang tatahakin sa pagkamit ng tagumpay.
Mama, ikaw ay tunay na karapatdapat na handugan ng ibang klaseng pagmamahal at saya
Sapagka't napakabuti ng iyong puso at kay lungkot lamang na ito'y hindi nakikita ng iba
Ako'y humanga sa iyong pang-unawang ibinibigay sa mga hindi naman karapatdapat
Ako'y humanga sa iyong katatagan, kahit ang hirap ng buhay na ating kinagisnan.
Mama, ikaw ay nanatiling matatag sa kabila ng hirap at sakit na pinagdaanan
Kahit ilang ulit kang binabato ng mga hindi kanais-nais na mga salita
Ikaw ay paulit-ulit na bumabangon, isa sa iyong mga maraming pang katangian na masyado kong hinahangaan.
Kaya Mama, maraming salamat sa pagbibigay inspirasyon.
Maraming Salamat dahil tinuruan mo akong bumangon,
Sa pagkalunod sa sarili kong mga emosyon
Tinuruan mo akong umunawa, magpatawad, maging matapang, at higit sa lahat ang magmahal ng walang hinihinging kondisyon.
Ang tulang ito ay para sa isang taong pinakamamahal ko
Mama, sana'y madama ng mga salitang ito ang nais kong ipararating sa puso mo.
Nais kong malaman mong hindi ko kayang mawala ka sapagka't ikaw ang pinakamagandang biyaya na dumating sa buhay ko
Muli, Mama, Ikaw ay mahal na mahal ko.
-Syrill 🖤
![](https://img.wattpad.com/cover/177280642-288-k534151.jpg)
YOU ARE READING
An ink for words
PoetryI decided to just create a creative naration of what I'm feeling about someone or about what I feel towards the day. Not forcing you to read it but maybe you could relate 😊