I dedicate this poem to my childhood bestfriend. Please know that I will forever treasure what we had and hoping we could reunite again soon.
DATING KAIBIGAN
Hindi ko kayang malimutan
Lahat ng alaala nating pinagsamahan
Ikaw ang kasama mula bata hanggang sa ako'y namulat
Tila napakaraming pahina ang nagawa na nating ibuklat.
Hindi na matandaan paano nagsimula ang samahan
Ngunit, ang nadamang pasasalamat ay hinding-hindi mawakli sa isipan
Ikaw ay aking kasama sa pagtuklas ng mga bagong karanasan
Karanasang kahit kailan ay hinding-hindi ko pinagsisihan.
Ang iba man ay hindi magaganda
Lalo na sa mga panahong pareho tayong natutong magsinungaling na
Makasama lamang ang isa't-isa at gumala
Ngunit gaano man iyon kasama sa mata ng iba,
May hatid itong aral na hanggang ngayon ay nagbibigay gabay sa akin saan man ako magpunta
Ako'y nagpapasalamat sapagka't ikaw ay aking nakilala
Mga alaala nating dalawa na magkasama ay isa sa mga bagay na matuturing kong maganda
At asahan mong ito ay babaunin hanggang sa ating pagtanda.
Kaibigan, ang samahan natin ay natatangi sa iba
Sapagka't ikaw ay hindi katulad nang iba
Naalala ko noong nagsasatinig tayo ng mga problema
Ibinabahagi natin ang ating mga nadarama,
Kahit kailan ay hindi mo ito itinuring na mababa
Nakikisimpatya ka sa aking mga nadama
Hanggang sa umabot sa puntong hindi na natin namalayan ang sabay na pagkahulog ng ating mga luha
Kaya kaibigan, maraming salamat sa lahat ng ating magagandang memorya.
Isapuso mo na lahat ng nangyari ay may dahilan
Ang pagkabuwag natin ay totoong nagbigay daan
Para makilala ang mga taong makakasama magpakailanman
At para maatim natin ang buhay natin sa kasalukuyan.
Kaibigan, ako'y narito lamang kapag ako ay iyong kailangan
Handa paring makinig at maging iyong sandalan
Kaya'y lagi mo lang tandaan na ang ating samahan ma'y hindi na magkatulad
Ikaw parin ang itinuturing kong kaibigan na walang katulad.
-Syrill 🖤
![](https://img.wattpad.com/cover/177280642-288-k534151.jpg)
YOU ARE READING
An ink for words
PoesieI decided to just create a creative naration of what I'm feeling about someone or about what I feel towards the day. Not forcing you to read it but maybe you could relate 😊