Huwag Bumitaw

30 1 0
                                    

Reminder to all.

HUWAG BUMITAW

Alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon

Gustong-gusto mo nang sumuko

Ngunit, bago mo iyon gawin ay huminga ka nang malalim

Tingnan nang mapayapa ang kalangitan

Isiping mabuti ang mga taong nagtiwala sa iyong kakayahan

Makakaya mo bang sila'y biguin?

Isipin ang mga taong walang sawang sumusuporta at nagmamahal

Makakaya mo bang sila'y masaktan?

Alam ko, alam kong di madali

Ang manatili sa isang mundo

Na ang tanging hinatid sa'yo ay pait at pighati

Ngunit, laging tandaan yung masasayang alaala

Alaalang hindi lamang puro pait at sakit

Alaalang masasaya na masasayang kapag itinapon lamang

Mahirap makipagsabayan

Pero di mo ba naisip ang kinabukasan?

Kinabukasan na kay ganda

Ganda dahil ito'y pinangarap mo na

Masasayang ang pangarap
Kapag ika'y sumuko pa

Laging tandaan, ito'y hindi ibibigay nang
May Kapal kung ito'y hindi malalampasan 💋💪

-Syrill 🖤

An ink for wordsWhere stories live. Discover now