Pangarang lamang

18 1 0
                                    

It was not really mine kay nagpatabang akong classmate ug gama'g poem but over-all, It was my idea and also the construction pero di nako ganahan I own kay murag gihatag naman nako siya sa uban haha.

PANGARAP LAMANG

Sa unang pagkakataon ay nakita kita

Nakakabighani ang iyong angking ganda

Mga ngiti mong kay tamis pagmasdan

Mukha mong parang anghel sa kagandahan.

Simula no'n ay tumibok ang puso ko

Parang karera sa bilis ng takbo

'Di ko akalaing kay bilis kong mahulog sa'yo

Sa una pala'y nakuha mo na ang puso ko.

Kahit sa pagpikit ika'y nakikita ko

Tinamaan na nga yata ako sa iyo

Puso ko'y ikaw lagi ang hinahanaphanap

Ika'y isa na sa aking mga pinapangarap.

Ngunit isa kang bituin na ang hirap abutin

Langit ka at ako'y lupain

Kaya ko pa bang puso ko'y sundin?

O mananatili ka lamang na isang pangarap sa akin?

-Syrill ❤️

An ink for wordsWhere stories live. Discover now