Kalayaan
Kalayaan.
Nais kong bumitaw, lumisan.
Mawala at kailanma'y hindi na matagpuan.
Nais kong kumawala, mawala
At kahit kaila'y hindi na magbabalik pa.
Palayo.
Palayo sa lahat ng sakit.
Mga salita at nadaramang pait
Ayokong ubusin ako ng lahat ng ito
Hanggang sa maubos at mawala kung sino talaga ako.
Tumakbo.
Gusto kong umalis
At tumakbo ng napakabilis
Itutuloy ang mga daan sa pagtahak
At ako'y hindi na kailanma'y lilingon pabalik.
Huminga.
Gusto kong huminga, magpahinga.
At kailanma'y hindi na gumising pa.
Ipipikit na lamang ang mga mata
At nanaisin na kailanma'y ito'y hindi na magmumulat pa.
Sapagka't ang mga napagdaan ko'y sobra-sobra na
Hindi ko alam kung ang mga sugat sa puso ko'y maghihilom pa.
Naubusan na ako ng pag-asa na ang lahat ay magbabago pa.
Naubusan na ako ng pag-asa na sa lahat ng sakit ako'y magiging malaya pa.
-Syrill 🖤

YOU ARE READING
An ink for words
PoetryI decided to just create a creative naration of what I'm feeling about someone or about what I feel towards the day. Not forcing you to read it but maybe you could relate 😊