Chapter 14
ALYANNA'S POV
Andito na kami ni Lander sa bahay namin. "Lander, nasaan pala si Marj?" tanong ko. Andito ako sa sofa tapos siya naman nasa kusina. Naghuhunting ng pagkain. "Ewan ko sa batang yun. Baka naman pumunta nanamang mall? Swerte nga nila at wala silang pasok ng three days." sabi naman niya habang papalapit sakin. Hanep naman nito. Nakapaghunting agad? "Si Caramel?" Tanong ko ulit. Kinuha ko yung chocolate dun. Wow! Andami nilang chocolates ha? "Nandun kina Kurt. Bakit naman?" tanong din niya. Wait! Kurt? Hmm... sobrang familiar. "Sinong Kurt?" tanong ko din. "Si Kurt Abraham Lincoln. Yung hilaw na maputi na parang Skin White? Yung matangos yung ilong? Manliligaw yun ni Caramel. Ay wait! Mali. Dapat. Nililigawan yun ni Caramel." sabi niya at umupo sa tabi ko. Nanunuod kasi ako ng TV. Tapos pinapanuod ko yung One of The Boys. (Uy Fiona! Ito story mo diba? Eksdi.)
"Weeeeh? Ang ganda nga ni Caramel eh. Tapos siya yung nanliligaw? Kaya lang, parang suplada naman si Caramel eh. Hindi man lang ako pinapansin." sabi ko sabay pout.
"Pabayaan mo na yun. Ganun lang talaga." sabi niya tapos nanuod nalang kami.
Pagkatapos nung show, napagdesisyonan naming pumunta dun sa Kurt daw.
LIA'S POV
"Ate Lei! Yuhooo!! Are you listening?" sabi ni Lynelle na hindi ko napansin na kanina pa pala nagsasalita. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong ko. Andito kami sa kwarto ko. Nilipat kasi ako para daw makatulog ako ng maayos. O.o Atsaka, mas comfortable dito noh. Umalis kasi ulit yung parents nila kasi daw mag-gogrocery daw sila. "Argh! I said let's go to the park! I want to play there." sabi niya sabay pout. "Ok ok. Paalam muna tayo kay Darren ok?" sabi ko at tumayo na. "Ok." tumayo na din siya. Lumabas na kami at pumunta sa kwarto ni Darren. As always, kulay green ang pinto niya na may iba't ibang emoji.
*knock knock
Kinatok ni Lynelle yung pinto at agad namang binuksan ni Darren. "Oh Ana, Lynelle. Bakit?" tanong ni Darren. "I want to go to the park. Can we?" sabi ni Lynelle. "Oh, ok. Punta muna kayo tapos susunod ako. Ok ba yun?" tanong ni Darren. "Ok." sagot ni Lynelle. Pansin ko lang, bakit parating 'ok' ang sagot nito. o.O
Pumunta na kami sa park. Pumunta ako sa swing tapos siya, andun, kasama yung batang lalake at isang batang babae.
Lumapit ako sa kanila. "Lynelle, sino sila?" tanong ko. "I dunno. All I know is I want to play with them." sabi niya. =_= "Ay! Hehe. Hello! Anong pangalan niyo?" tanong ko dun sa dalawang bata. "I'm Clara." sabi nung babaeng naka-violet shirt at naka leggings na kulay black. "Gino." sabi naman nung batang lalakeng nakashorts ng parang sundalo ang style tapos nakaBatman shirt.
ALYANNA'S POV
Papunta na kami dun kela Kurt. Habang naglalakad nagkwekwentohan kami. "Naka punta ka na dito?" tanong niya. "Oo. Nung bata ako, dito ako nag-aral ng elementary. Tapos pumunta kami nang Maynila kasi doon na daw naka-assign si Mom. Naalala ko nga na may kalaro daw akong batang lalake eh. Tapos nung paalis na kami may binigay siyang bracelet. Hindi ko lang alam kong nasaan na yun." kwento ko. Hindi namin namalayan na andito na kami sa tapat nang bahay nila. Familiar.
*DING DONG DING DONG MA----
"Andyan na!!" sigaw nung nasa loob. Lumabas ang isang lalakeng maputi, matangos ang ilong, at matipuno. Pati siya, familiar din. "Oh. Lander my men!" tapos nag-brofist sila (Hi Pewdiepie Fans there! Brofist!)
"Si Caramel?" tanong ni Lander. Hindi man lang ako pinansin. :( "Andiyan sa loob." sabi niya. Napatingin siya sakin. Tapos parang may naalala siya.
"JAZ?!?!"
O.o
-------x
And that's all thank you. Sorry dahil short. Gusto ko kasi na ka mabitin kayo and you will share your thoughts about this ='(
~JulianaArango7
BINABASA MO ANG
Untimely Love (JulNiel)
Action|JulNiel Story| |Fanfiction| Saan mo nga ba mahahanap si True Love? Masasabi mob ang Untimely Love ang love na nabuo dahil sa isang sakuna? Read and find out. Credits to @FudgeBaby for the cover <3 =)