Kumpleto ang gamit niya rito sa kusina. Puno rin ang kan'yang ref ng pagkain. Siguro palaging nire-restock ni Justine.
"What are you cooking?" tanong ni sir Tristan nang makapasok sa kusina.
"Sinigang na baboy," sagot ko nang hindi siya nililingon. Busy ako sa pagluluto.
"I don't eat sinigang," aniya.
"Ang sabihin mo lang, hindi ka pa nakakakain ng sinigang."
“Alam mo pala. Why are you still cooking that?”
Tuluyan ko siyang nilingon. “Ikaw lang ba kakain?”
“Hindi pero makikikain ka lang.”
“Makikikain ako pero ako ang nagluluto.”
“And that means?”
Ningisihan ko siya. “Ako masusunod kung anong lulutuin ko.”
“I'm your boss now, Egsel,” tila pagpapaalala niya sa akin.
“Sir,” dugtong ko na lang sa sinabi ko kanina.
He just rolled his eyes.
“If I will not like what you cooked, you'll make another dinner for me again,” saad niya.
“I don't mind,” sagot ko. “Sigurado naman akong magugustuhan mo luto ko.”
Minsan lang kasi kami nakakapagluto ng sinigang na baboy dati sa probinsya kaya noong nakita kong kumpleto ang ingredients niya rito, iyon agad naisipan kong lutuin.
“Hmm. Ang bango oh!” turan ko.
Tumango-tango si sir Tristan. “I'll prepare the table,” sabi niya saka kumuha ng plato, kutsara at tinidor bago umalis.
Mabilis naman akong natapos dahil nakapagkulo na ako ng baboy bago pa nakababa kanina si sir. Nagsandok ako ng ulam sa isang mangkok saka iyon dinala sa dining area. Maayos na ang lamesa nang dumating ako roon. May kanin na rin.
“Tikman mo ‘to, sir. Baka bigla mo akong maging crush na talaga kapag natikman mo luto ko,” ani ko.
Sinandukan ko siya ng kanin sa kan'yang plato saka nilagyan ng sabaw ang isang maliit na mangkok sa gilid ng plato niya.
“I can do it, Egsel,” seryosong imik niya.
Napatigil ako sa paggalaw at nilingon siya. Tila naman katauhan ako bigla kaya binitiwan ko ang sandok.
“Oo nga pala.” Ngiting-aso akong nag-peace sign. “Na-excite lang.”
Nagsimula siyang maglagay ng sabaw sa kanin niya at hinintay ko naman ang kqn'yang reaksyon nang tikman niya iyon.
“So?” excited kong tanong.
“Maasim,” sambit niya.
“Magulat ka kung biglang naging maalat ang sinigang,” sarkastiko kong sagot.
“Malay ko bang maasim talaga ang sinigang, ‘di ba? It's my first time tasting it, remember?” taas-kilay din niyang depensa sa sarili.
“Ano ba lagi mong kinakain dati ha? Lagi ba kayong nagte-takeout ni Justine?” tanong ko.
“We're both busy and I don't like anyone in my house so yes. We just order foods. Justine can't cook.”
“Sa maraming taon, nagtiis ka sa takeouts?”
“I once had a cook but she left when her daughter gave birth. I never hired again anyone after her.”
“Grabe naman iyang tyan mo,” saad ko. “Ako na lang magiging nanay mo ngayon. Lulutuan kita palagi. Iba ang sarap kapag lutong-bahay kinakain mo.”
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...