"Ma, anong nangyari kay Kuya?" kinakabahan kong tanong.
Mas lumakas ang hagulhol ni Mama kaya kinabahan pa ako lalo.
"Ma, anong nangyayari r'yan?" tanong ko ulit.
"Si Kuya mo, anak... naaksidente..."
Nabingi ako sa narinig. P-Paanong...
"Nagba-bike r-raw siya pauwi n-nang m-may... m-may bumangga s-sa kan'yang t-truck..."
Hindi natigil ang pag-iyak ni Mama. Ako naman ay iniisip ang sinabi niya.
Truck na binangga ang isang bike? Anong laban ng bike ni Kuya sa dambuhalang truck na 'yon?
"K-Kumusta siya, M-Ma?" Pinilit kong magsalita kahit may namumuong kung ano sa lalamunan ko.
"Nasa ICU s-siya n-ngayon, anak..." Huminga siya nang malalim. "H-Hindi ko alam... H-Hindi k-ko alam kung a-anong aasahan... Ang laki ng d-damage sa katawan n-niya..."
Napatitig ako sa kawalan. Si Tristan na ang kumausap kay Mama hanggang sa patayin niya ang tawag. Gusto kong umuwi... Pauwiin niyo ako...
"Selly, you're shaking again... calm down, please," nagsusumamong bulong sa akin ni Tristan.
"Gusto kong umuwi... Tristan, gusto kong makita si Kuya..."
"You have to calm down first. Take a deep breathe in, then exhale."
Pero imbes na pakalmahin ako ay mas kinabahan ako lalo. Nanginginig ang kamay ko't kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko.
"S-Si K-Kuya..." Nanghihina akong tumingin kay Tristan. "S-Si K-Kuya..."
Masuyong hinaplos ni Tristan ang buhok ko.
"We'll get you there. I'll bring you to him as soon as possible."
True to his words, he immediately called someone in his phone to prepare for a private plane. It was only 10 in the evening. Tinawagan niya rin si Justine para pumunta sa ospital para ihatid kami papuntang Cebu. May tinawagan pa siya. Naging maingat ang pagsagot niya sa kausap kaya nahulaan ko agad na baka si sir Mitt iyon.
"Justine's outside. Can you walk?" tanong niya sa akin kalaunan.
Tahimik akong tumango. Habang maghihintay kay Justine kanina ay inasikaso na niya ang pag-discharge sa akin. Pati na rin ang iba pang dapat ayusin. Gusto ko sana siyang tanungin kung may dala ba akong damit pero masyadong magulo ang isip ko para problemahin pa iyon.
May tipid na ngiti si Justine nang makita ako. Nag-fighting sign siya sa akin saka kami hinatid papunta sa airport.
May iba kaming dinaaan papunta mismo sa private plane na pinahanda ni Tristan. Walang ibang taong naroon maliban sa iilang crew at pilot mismo.
"Hanggang dito na lang ako. Ingat kayo roon, sir. Ako na muna ang bahala sa Trilova," saad ni Justine.
"Thank you, Just," sinserong pagpapasalamat ni Tristan sa kaibigan bago kami pumasok sa loob ng eroplano.
Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin at namalayan ko na lang na nasa himpapawid na kami.
"You can sleep, love. I'll wake you uo once we're there," bulong niya sa akin.
Humilig ako sa kan'yang balikat at pumikit. Dahil siguro sa pagod ay nakatulog ako kaagad. Naalimpungatan lang ako dahil sa bulong ni Tristan sa aking tenga.
"Egsel, wake up."
Nakaramdam ako ng maiinit na halik sa mukha ko.
"Love, we're in Cebu now. Wake up, baby."
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...