Imbes na dumiretso sa table namin ay doon ako sa may counter tumayo. The auction was ongoing and I can't grasp the fact that they'll be spending millions for this. I mean, yes, magaganda ang artworks, but I can't believe one painting can go higher than a million. But I somehow agree with the price.
I took two glass of drinks from a service crew who was moving around, giving drinks to the guests.
"Is this free?" tanong ko. Naninigurado lang.
"Yes, ma'am."
I nodded my head and thanked him. Hindi naman ako pala-inom. I was just hoping that this drink would calm me a little.
Hindi ko alam anong klaseng alak iyon pero niisang lagok ko lang. Matamis, maanghang, mapait. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang lasa ng ininom ko. Naglalaban ang lasa nito sa aking dila. Pagkatapos ng isa ay ininom ko rin ang isa.
I don't know what I'm thinking. I know I'm being reckless but I just suddenly wanted to drink, not thinking of the consequences.
Napakurap ako nang sandali akong nahilo.
It was wine! Hindi dapat iyon nakakalasing.
But I was feeling lightheaded all of a sudden. Napahawak ako sa isang upuan na naroon.
"Are you okay, ma'am?" tanong ng isang crew na nakapansin sa akin.
I forced a smile and nodded. He was also kind enough to give me water as I sit on the chair I was holding.
Na-scam ako sa ininom ko kanina ah.
"Sold to Mr. Villarel for 800,000 pesos!"
Napalingon ako sa stage nang unti-unting tumino ang pandinig ko.
800,000 pesos? Si sir Mitt ba tinutukoy nila? Ang yaman naman ni sir kung gano'n.
Gustuhin ko mang bumalik sa table namin ay hindi ko ginawa. Nakaupo na nga ako pero umiikot pa rin paningin ko. Baka bigla pa akong bumagsak o madisgrasya habang naglalakad. Ayokong makakuha ng atensyon. Lalo na kung kahihiyan lang iyon.
"The next artwork is an abstract painting made by a famous artist from Paris, Pietro Parisi. This was inspired by Helen Frankenthaler's Mountains and Sea on 1952. The bidding starts at 100,000!" sigaw ng tumatayong emcee sa intablado.
Napatanga ako nang may nag-bid agad ng 200,000. Tumaas pa ito at umabot na sa kalahating milyon.
Shems. Kapag ba kinopya ko 'yang painting na iyan, magkakapera rin ako nang malaki?
Abstract paintings are weird but they have a lot of stories to share. The interpretation of the artwork will depend on the viewer's perspective. Kaya nga kahit ako ay gusto rin ng abstract painting. Though mas engage ako ngayon sa portrait at landscape.
May sumigaw ng 700,000, at hindi ko alam kung anong nakain ko't bigla akong tumayo.
"1 million!" sigaw ko habang nakataas pa ang kamay.
Napalingon ang lahat sa akin. Muli akong napakurap saka unti-unting na-realize ang nangyayari.
Bigla akong tinablan ng hiya at lihim na kinastigo ang sarili sa ginawa.
Gaga ka, Egsel! Bakit ka sumigaw ng isang milyon e hindi nga aabot ng limang libo ang pera mo?
Kita ko ang pagtataka ng mga naroon habang nakatingin sa akin. Parang bata kong binaba ang aking kamay at peke na tumawa.
Tangina ka talaga, Egsel Dianne! Ano ba 'tong kalokohang pinasok mo?
"One million from our beauty right there! What's your name, miss?"
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...