18

5.8K 239 52
                                    

Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi nga ako sigurado kung nakatulog ba ako. Sa dami ng nangyari kagabi, hindi ko na alam kung nakapagpahinga ba utak ko kakaisip.

At dahil maaga pa naman, napagdesisyunan ko na lang na magluto muna ng agahan namin ni Tristan.

"Good morning, Selly. What are you cooking?" bungad sa akin ni Tristan na bumaba pagkalipas ng ilang minuto.

"Talagang kailangang magpakita na naka-boxers lang?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm comfy," balewala niyang sagot saka kumuha ng baso at nagsalin ng tubig.

"Coffee?" tanong ko.

"I'll make two for the both of us. Magluto ka lang r'yan."

Nagkibit balikat na lang ako. Plano ko sanang magluto ng pasta pero mas gusto kong kumain ng pancit bihon ngayong umaga kaya iyon ang niluto ko.

"Tristan, pakikuha nga ng toyo. Patapos na ako rito," pakiusap ko sa kan'ya habang ang tingin ay nasa pancit.

"Here."

Inabot ko iyon at lumingon sa kan'ya. "Thanks," ani ko.

"A kiss will do."

Napapantastikuhan kong nilayo ang mukha niya sa akin.

"Magtimpla ka na nga lang ng kape!"

Natatawang hinalikan niya ako sa pisngi bago pinagpatuloy ang ginagawa. Ako naman ay tinapos na ang pagluluto.

"I'll prepare the table," aniya saka kumuha ng plato, kutsara, tinidor, kanin, sandok, at ang kape namin.

Nilipat ko naman sa isang malaking bowl ang pancit bihon na niluto ko saka sumunod sa kan'ya.

"Kakain ka kanin?" tanong ko sa kan'ya.

"Ikaw?"

Tumango ako. "Masarap i-ulam ang pancit sa kanin."

"Okay. Kakain din ako."

We both settled ourselves and ate.

"May pasok ka ngayon, 'di ba? Paano ang modeling mo?" tanong ko habang sumusubo ng kanin.

"I am more focus on business now that you're not there with me. But you're coming with me this weekend. May schedule ako ng Saturday at Sunday," sagot niya saka sumimsim sa kan'yang kape.

"I'll be free that time. May klase ako sa umaga pero sa hapon ay wala naman na."

"Good. I miss you around," saad niya.

"We're almost always together," I pointed out.

"Tuwing hapon o gabi lang." He leaned forward. "Nakaka-miss kaingayan mo sa buong araw."

Inirapan ko siya. "Tapos magtatampo ka na naman dahil sa bunganga ko."

"Just don't make fun of my feelings for you."

"I am not."

"You keep on slapping me that you don't like me," taas-kilay niyang saad.

"May sinabi ba akong hindi kita gusto?"

"Bakit? Gusto mo rin ba ako?"

"Ba't ko sasabihin sa 'yo?" pang-aasar ko.

"Kasi tungkol sa akin 'yan?" patanong niya ring sagot.

Nagkibit balikat lang ako. "Ah. Talaga ba?"

Dumukwang siya para mailapit ang kan'yang mukha sa akin. "So gusto mo nga rin ako?"

"Wala rin akong sinasabi, Tristan."

"Silence means yes."

"Silence can either be yes or no."

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon