17

5.2K 265 51
                                    

Nang matauhan ay pumasok ako sa loob at agad na hinanap si Ivy. Nakita ko silang dalawa ni Marga kasama si kuya Mitt na nasa hapagkainan na.

"Ano, teh? Halika na rito. Kain na tayo," pag-aaya sa akin ni Ivy.

"Uuwi ako," saad ko na ikinataas ng kilay niya.

"Bakit?" tanong ni Margaret.

"Pupuntahan ko si sir Tristan," sagot ko lang.

Maybe they can see the despiration in my eyes because they all nodded without asking more questions. Kuya Mitt volunteered to drive me to sir Tristan's penthouse. Hindi na rin ako nakapagpaalam nang maayos sa dalawa kong kaibigan dahil sa kaba at pagmamadali. Siguro magcha-chat na lang ako sa kanila kapag nakausap ko na si sir.

The drive back to the building was fast. Paulit-ulit akong nagpasalamat kay kuya Mitt bago tumakbo papasok sa building. He even told me to calm down and get myself together.

Sobra ang kabang nararamdaman ko habang nakasakay ng elevator papunta sa pinakamataas na floor.

Nang sa wakas ay bumukas ang elevator ay agad kong pinindot ang pin ng bahay niya saka pumasok.

The house was out of light. Sobrang dilim at halos wala akong makita sa daan.

Hinanap ko ang switch sa sala at in-on iyon. Naglakad pa ako papasok upang hanapin ang nagtatampo kong boss.

"Sir?" sigaw ko para marinig niya pero wala akong nakuhang sagot.

Pumasok ako sa kusina pero wala ring tao roon. Nagpunta ako sa labas ng penthouse niya kung nasaan ang kan'yang pool area pero kahit doon ay wala siya.

Umakyat ako sa second floor para i-check ang kan'yang kwarto. Hindi ako sigurado kung naroon ba siya pero kung wala ay hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Baka naman nasa opisina pa siya?

The door of his room wasn't locked. Kumatok muna ako bago pumasok. Katulad noong naabutan ko ang bahay ay wala ring ilaw sa loob. But I saw a movement.

Hinanap ko ang switch ng ilaw sa kan'yang kwarto saka iyon binuksan.

Bukas ang kurtina sa kan'yang kwarto, and he was there.

I saw his back watching the city through the glass wall. He was holding a glass of wine. Ramdam kong alam niyang nandito ako pero hindi niya ako nililingon.

"Sir..." tawag ko sa kan'ya pero hindi niya pa rin ako pinansin.

"Sir Tristan."

Ininom niya lang ang laman sa baso niya saka nagsalin ulit.

"Sir." Humakbang ako papalapit sa kan'ya.

Parang wala ako sa kwarto niya kung ignorahin ako. Nihindi siya sumulyap sa akin. Patuloy pa rin ang kan'yang pag-inom.

"Tristan Louiz naman," sambit ko saka ngumuso.

Nakita ko ang pag-tiim ng kan'yang bagang pagkatapos no'n pero pinanindigan niya ang hindi paglingon sa akin.

"Tristan..." Tuluyan akong lumapit sa kan'ya. "Galit ka ba?"

Humarap ako sa kan'ya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Nanatiling nasa labas ang tingin niya at dahan-dahan na kinu-konsumo ang alak na hawak.

"I'm sorry," saad ko, nafu-frustrate na sa coldness niya.

Ngunit imbes na sagutin ako ay muli siyang nagsalin ng alak. Sa frustration ko ay inagaw ko iyon mula sa kan'ya saka nilagay sa lamesang hindi niya abot. Dahil doon ay napalingon siya sa akin.

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon