19

6K 265 71
                                    

"Kuya, kakauwi mo lang?" tanong ko sa kapatid kong bigla-bigla na lang tumawag sa akin ng Byernes ng gabi.

"Kakatapos lang ng shift ko," parang pagod na sagot ni kuya Reo.

Napatingin ako sa orasan. Alas nuebe na.

"Late mo naman natapos. Nag-overtime ka?" tanong ko habang nagsasagot.

"Overtime pero walang bayad. May nangyari kasi kaya kailangan pa ng backup. Saktong nando'n ako kaya nagboluntaryo na akong magtagal doon."

Tumingin ako sa kan'ya. "Kuya, kitang-kita ko eyebags mo. Nagpapahinga ka pa ba?"

Nakita ko ang paghiga niya sa kama saka pumikit. "Nakakapagpahinga naman. H'wag kang mag-alala masyado sa akin, bunso. May tamang tulog naman ako."

"Halata, kuys," sarkastiko kong sagot. "Kapag ikaw napa'no, ako mismo babaril sa 'yo."

Kuya Reoron is officially a police officer now. Naka-duty sa bayan doon sa amin kaya minsan na lang kami nagkakaroon ng oras magtawagan.

"I miss you, bunso," aniya. "Pakiramdam ko mas tumanda na ako dahil sa trabaho ko. Kailangan ko ng stress reliever."

"At ako 'yon?"

"Nakakawala ng stress kapag inaasar kita."

"Pakyu," saad ko. "Mas mai-stress ka pa sana."

Natawa siya saka hinarap ang screen sa mukha niya. "You're studying?"

"Gumagawa ako ng homework. Tapos na sana ako ngayon kung hindi ka lang tumawag. Epal mo talaga e."

"Sus. Kunwari ka pang hindi nami-miss kakulitan ko e."

"Hindi nga."

Muli akong lumingon sa kan'ya. Kita ko na ang pagpikit ng kan'yang mata kaya napangiti ako.

"Tulog ka na, kuys. Alam kong pagod ka na," saad ko.

Tumango siya. "Tatawagan ulit kita kapag nagkaoras ako ah. Para rin makausap mo sina mama at papa."

"Sure po. Good night, kuya ko," paalam ko sa kan'ya. "I missed you."

"Sabi ko na nga ba miss mo talaga ang nag-iisa at pogi mong kapatid."

"Oo na, oo na. Matulog ka na. May trabaho ka pa bukas."

Humikab siya nang malakas. "Mahal ka ni kuya, bunso. Ingat palagi r'yan ha," huling sabi ni kuya saka pinatay ang tawag.

Umiling-iling ko na lang na nilapag ang cellphone ko sa gilid saka pinagpatuloy ang ginagawa.

Miss ko tuloy bigla si kuya. Kahit na nagkakausap kami, iba pa rin talaga kapag nakakasama o nayayakap ko siya.

"Miss mo na pamilya mo, 'no?"  biglang tanong ni Tristan habang kumakain ng ice cream.

Kanina pa 'to siya sa condo. Nakakain na kami't lahat-lahat ay ayaw pa raw niyang umuwi. Noong tumawag si kuya, nakinig lang siya sa amin. Ewan ko ba kung ano na naman trip nito.

"Malamang," sagot ko.

"Gusto mo bisitahin natin sila sa semestral break mo?"

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "Talaga?"

He shrugged. "Hindi ba may isang linggo kayong break? I'll take my leave, too, para sama ako."

"Sure? Libre mo pamasahe ko?" paninigurado ko.

"Ako nag-aya, 'di ba?" taas-kilay niyang tanong. "Kaya syempre, libre ko."

Napangiti ako saka nagbigay ng isang flying kiss sa kan'ya. "The best ka talaga, sir!"

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon