Tristan was already driving me back to his condo. It was almost 10 in the evening. Maaga kasi kaming natapos dahil may mga lakad sila bukas. Saka lasing na lasing na rin si Ivy kaya kailangan na nilang ihatid pauwi. Medyo nahihilo na nga rin ako pero kahit papaano ay nahimasmasan din naman noong nagbanlaw ako at nagbihis. Natuloy ang pagligo namin sa swimming pool. Kaming apat na babae--- ako, Marga, Ivy, at ate Elizabeth--- ang nagbabad sa pool. Noong nilamig ay nagbihis na rin. Nakihiram na nga lang ulit ako ng damit kay Tristan pagkatapos magbanlaw e. Hindi naman ako pinagbawalan ni Tristan na magsuot ng two piece. Ang kaso ay palaging nakasunod sa akin ang kan'yang tingin. Nang sitahin ko siya, ang sagot niya lang ay, "Ang ganda mo palagi."
Pagkarating sa condo ay nauna na akong bumaba. Akala ko pa nga lalabas siya pero nanatili lang siya sa loob ng kotse.
"Good night, love," mahinang sambit nito. "You made my day extra special."
Pinangunutan ko siya ng noo. "Hindi ka lalabas diyan?"
"Kapag lumabas ako, hindi na ako uuwi."
"Ayaw mo bang pumasok sa loob?" tanong ko ulit.
Seryoso niya akong tinitigan saka sumimangot. "Ayoko. Hindi mo rin naman ako patutulugin dito."
Pinaikutan ko siya ng mata saka lumibot papunta sa side niya saka binuksan ang pinto ng driver's seat.
"Labas," utos ko.
"Baby..."
"Labas na sabi, Tristan."
Hinila ko pa siya kaya wala siyang nagawa kundi lumabas.
"Ang arte mo. Tara sa loob. May ipapakita ako," ani ko habang hila-hila pa rin siya.
"H'wag kang maghuhubad sa harapan ko, Selly," pabiro niyang turan.
"Kapal naman ng mukha mo. Sino ka ba para maghubad ako?"
Nang makapasok ay binaba ko lang ang bag na dala ko saka siya hinarap.
"Ibibigay ko sa 'yo birthday gift ko," sabi ko.
"Akala ko ba wala kang regalo?" medyo gulat niyang tanong.
Ngumiti lang ako saka siya iginiya papunta sa kwartong ginawa kong art room. Pagpasok ay agad na dumapo ang aking tingin sa isang canvas na may takip na puting tela.
"Selly, what are we doing here?" taka niyang tanong saka ako nilingon. "Don't tell me..."
Mas lumaki ang ngiti ko sa labi saka hinila siya papunta sa mismong harapan ng canvas.
"Halos isang buwan ko 'tong pininta. Gusto ko kasi maganda ang resulta at gusto ko magustuhan mo," sambit ko habang nakatingin pa rin sa kan'ya.
"Baby, basta galing sa 'yo, ano man ang resulta, alam kong magugustuhan ko iyon," malambing niyang sagot.
Humarap ako sa canvas saka hinawakan ang laylayan ng telang nakatakip dito. Alam ko namang maganda ang nagawa ko pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Huminga ako nang malalim saka tinanggal ang tela. Pigil-hininga kong hinintay ang reaksyon ng lalaking nasa likod ko.
"Gusto ko sana ibigay ang mundo sa 'yo kaso naalala ko ako pala ang mundo mo kaya ayan... ipininta ko na lang sarili ko na kasama ka," paliwanag ko, medyo nagbiro sa mga unang sinabi.
It was a realistic portrait of us. Half-body iyon at nakaakbay siya sa akin habang pareho kaming nakangiti sa camera. Medyo nahirapan ako sa details. Lalo na sa mata dahil sinigurado ko talagang makikita niya roon ang totoong emosyon namin pareho habang magkasama. Masaya.
Nanatiling walang imik si Tristan kaya naman napalingon ako sa kan'ya. Nakatitig pa rin siya sa portrait. Bahagya pa ngang nakaawang ang labi nito.
"L-Love..." hingal na sambit niya. "S-Selly naman..."
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...