Lagpas alas onse na noong bumyahe kami papunta sa opisina ni sir Tristan. Medyo natagalan kasi si Justine dahil may nangyari raw na aksidente sa isang daan papunta rito kaya medyo traffic.
“Ayos lang ba talaga 'tong suot ko?” tanong ko sa kan'ya kahit natanong ko na iyon noong nasa penthouse pa kami.
“Ayos nga lang iyan, Egsel. Kapag ako nainis sa ‘yo, sasabihan ko si sir Tristan na bilhan ka ng bagong damit. Nakailang tanong ka na ah,” sagot niya habang ang tingin ay nasa daanan pa rin.
Napasimangot ako. Black jeans, V-neck shirt, at puting rubber shoes lang kasi suot ko. Wear something comfortable raw kaya ito outfit ko ngayon. Sa pagkakaalam ko rin ay wala namang uniform ang mga PA e.
“Baka kasi masyadong informal suot ko,” ani ko.
“Ayos na 'yan para hindi ka mahihirapang gumalaw mamaya.”
Biglang nag-ring ang cellphone niyang naka-konekta sa bluetooth ng kotse.
“Sir?” sagot niya sa tawag.
“Saan na kayo?” boses ni sir Tristan.
“Tangina...” mahinang sambit ni Justine saka ako nilingon. “Nababaliw na ‘to sa 'yo!”
Walang lumalabas na boses pero nababasa ko ang kan'yang bibig.
“Malapit na kami, sir,” sagot niya sa lalaki. “Nakailang tawag ka na ah.”
“Where's Egsel?”
Muling lumingon sa akin si Justine at tinaasan ako ng kilay.
“Nandito ako,” sagot ko kay sir.
“Oh. Okay. Drive safely, Justine.”
Iyon lang at pinatay na niya ang tawag. Si Justine naman ay bumubulong-bulong.
“Masyadong pahalata si sir!” saad niya. “Kapag iyon tuluyang nabaliw sa ‘yo, lagot ka talaga.”
Pinaikutan ko lang siya ng mata. “OA mo. Wala namang ginagawa ‘yong tao.”
“Anong wala? E matagal na ‘yon may gusto sa ‘yo! Akala ko nga noong una mawawala lang e.”
“Simula noong nakita niya drawing ko, hindi ba? Alam ko ‘yon.”
Umiling siya. “May sasabihin ako pero h'wag mong sabihin sa kan'ya na sinabi ko sa ‘yo ah. Wala naman siyang sinabi na bawal kong banggitin sa ‘yo pero baka ayaw niyang malaman mo kaya secret lang natin ‘to.”
Kuryuso akong humarap sa kan'ya. Basta chismis, medyo mabubuhayan ako.
“Ano ‘yon?” tanong ko.
“Basta secret natin ‘to ah,” nanliliit ang mga matang paninigurado niya.
“Oo nga. Ano ba 'yon?”
He took a deep breath in before releasing it.
“Alam mo naman na hindi niyo unang pagkikita kahapon, ‘di ba?” panimulang tanong niya.
“Oo. Pangatlo na 'yon. Una, sa Starbucks. Pangalawa, sa bar. Tas last, kina sir Mitt.”
“No, Egsel. That was the fifth time.”
Awtomatikong tumaas ang aking kaliwang kilay.
“Fifth? Wala akong matandaan na nagkita kami ulit maliban doon sa tatlo.”
“Hindi ba nabanggit ko dati na hinanap ka niya at halos ayaw pa umuwi dahil baka makita ka hiya ulit?”
Tumango-tango ako.
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...