Nasaktuhang Sabado rin ang birthday ni Tristan kaya may pasok ako sa umaga. Malapit na midterm exam namin kaya maraming profs na ang nagbibigay sa amin ng requirements at pointers din ng exams.
Sobrang bilis din ng pagdaan ng araw lalo na't lagi rin akong busy sa pag-aaral at sa trabaho. Baka kinabukasan magising na lang akong 10 years older na pala.
"Wala kaming midterm pero may performance na ipapagawa sa amin si ma'am KC," kwento sa akin ni Ivy habang papalabas kami sa university. Wala si Margaret dahil busy. Gano'n talaga kapag graduating.
"Hmm," sagot ko lang habang kinakalikot ang aking cellphone.
Ka-text ko kasi si Justine. Tinatanong ko siya kung pumasok ba sa trabaho si Tristan. Matigas pa naman ulo no'n. Ayaw paawat basta trabaho ang pinag-uusapan.
From: Justine
Nandito siya sa opisina. Sabi ko sa kan'ya lagot siya sa 'yo pero hindi naman ako pinansin.
Napairap ako sa hangin sa reply ni J. Siguradong focus na focus na naman 'yon si Tristan sa ginagawa niya dahil hindi man lang napansin na uwian na namin. Ayoko rin namang tawagan dahil gusto ko siyang mahuli sa aktong nagta-trabaho.
"Woy, babaita! May kausap pa ba ako rito?" untag sa akin ni Ivy.
Ibinababa ko ang aking cellphone at hinarap siya.
"Diretso ako sa opisina ni Tristan. Ikaw?" tanong ko sa kan'ya.
"Uwi na ako. Daming gagawin sa bahay ni sir Mitt e," aniya.
"Kumusta na pala boss mo?"
"Hindi ko na alam. Ilang araw nang hindi umuuwi sa mansyon e. Baka nandoon sa condo niya. Gano'n 'yon kapag sobrang busy sa trabaho."
Hindi ko maiwasang mangunot ang noo. Bakit ba halos ata lahat ng tao busy ngayon sa trabaho nila?
"Hindi niyo pinupuntahan para kumustahin? Akala ko ba close kayo? Ba't hindi mo tawagan o i-text para paalalahanan na kumain sa tamang oras?" sunod-sunod kong tanong sa kan'ya.
"Hindi sinasagot ang tawag namin. Hindi rin nagre-reply. Saka ilang bses na rin namang pinaalala sa amin ni sir na kapag ganoong ilang araw siyang wala ay h'wag kaming mag-alala dahil ayos lang siya at talagang busy lang sa trabaho." Hinarap niya ako, "Teka nga. Ba't parang nag-aalala ka?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Bawal na mag-alala sa kaibigan?"
Nanunukso niyang sinundot-sundot tagiliran ko. "Type mo si sir Mitt, 'no?"
Nandidiri kong tinampal ang kan'yang kamay.
"Lahat na lang talaga issue sa 'yo. Napakaano, Angelus, ah," turan ko.
"Duh. Nagbibiro lang naman ako." At pinaikutan pa niya talaga ako ng mata.
"Punta ka nga pala sa bahay ni Tristan. Sama mo si Garet. Kung mahihila mo si sir Mitt, damay mo na rin. Celebrate natin birthday ng lalaking 'yon," pag-aaya ko sa kan'ya.
"Anong gagawin natin do'n?" tanong niya.
"Lalaro Jackstone," pilosopo kong sagot. "Syempre, magse-celebrate nga."
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...