26

5K 153 23
                                    

The press conference made a noice. Mas dumami ang gustong makausap kami ni Tristan pero wala na siyang pinaunlakan na media pagkatapos no'n. Mga ilang araw din kaming laman ng balita. Mabuti na lang at hindi naman ako kinukuyog kapag lumalabas pero sinigurado pa rin ni Tristan na hindi ako mag-isa kapag lumalabas. Hindi kasi maiiwasan na may iba na agresibo.

"Umuwi kayo rito ngayon din, Egsel Dianne! Ipakilala mo sa amin ang lalaking 'yan!" sigaw ni papa mula sa kabilang linya.

Napangiwi ako dahil doon saka nilingon si Tristan na nakaupo lang sa tapat ko. Tahimik lang naman siyang nakikinig sa pag-uusap namin nina mama, papa, at kuya.

Nang kumalat ang balita tungkol sa amin ni Tristan ay tinawagan agad ako ni kuya Reo at sinermunan. Dumagdag pa sina mama't papa. Ilang araw na rin nila akong kinukulit na umuwi. Hindi ko lang masabi kay Tristan dahil busy siya ngayon tas ako may pasok din.

"Oo nga po. Hahanap kami oras para makauwi r'yan, pa," sagot ko.

"Aba! Dapat lang! Nauna pang nakilala ng buong mundo boypren mo kesa sa aming mga magulang mo!"

"Napakaharooot talaga, Egsel!" singit naman ni mama na parang nanggigigil.

Napatawa naman ako dahil doon. Si mama talaga.

"Long weekend this week. Uwi kayo saglit. Hindi naman siguro problema sa inyo ang pamasahe, 'no?" si kuya.

Napabuntong-hininga ako saka sinilip si Tristan. Tumango siya sa akin saka ngumiti.

"Sige. Uwi kami sa Friday," sagot ko na lang.

Nagtitili naman agad si mama habang si papa ay parang nagho-homily sa dami pang sinabi. Si kuya lang ang chill dahil ilang beses na niyang nakausap si Tristan.

"Bye na. Nababaliw na 'tong dalawa." Nai-imagine ko ang pagpapaikot ng mata ni kuya nang sabihin iyon.

"Bye, kuys. I love you. See you, ma! Pa!" paalam ko sa kanila.

Pagkatapos magpaalam at patayin ang tawag ay nilingon si Tristan.

Siya naman ngayon ang nasa condo ko. Ganito naman siya palagi. Kahit sobrang late na ay pumupunta pa rin dito para tumambay saglit. Kaya nga minsan puyat 'to palagi.

"Magha-hating gabi na. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kan'ya.

"Uwi tayo sa Friday?" tanong din naman niya sa akin.

"Kung busy ka, pwede namang h'wag muna."

"I'll cancel my schedule for three days. May pasok ka sa Monday, 'di ba? We can book an early flight this Friday and go home late in the afternoon this coming Sunday. Para naman makapagpahinga ka nang maaga pag-uwi rito at maayos na makapasok kinabukasan," paglalahad niya ng plano.

Ningisihan ko siya. "You're always a step ahead talaga, 'no?"

Pinaikutan niya ako ng mata saka tinapik ang pwesto sa kan'yang tabi kaya tumayo ako para lumipat doon. Agad niya akong inakbayan. Ako naman ay nanlalambing na yumakap sa kan'ya at siniksik ang aking sarili sa kan'yang gilid.

"I'll borrow my friend's private plane for us. It'll be more convenient if we use our own plane."

Yay. Yayamanin.

"We can take a commercial flight, Tristan. No need for that," ani ko.

"It's not that I don't take a commercial flight. I do, but I just want to make you feel comfortable. If you think a private plane is too much, then at least let me treat you a first class ticket."

Wala sa sarili kong siniksik ang aking mukha sa kan'yang kili-kili at sininghot iyon. Grabe. Pati kili-kili, mabango.

"Egsel," natatawa niyang suway sa akin. Mas humigpit lang ang pagkakayakap ko sa kan'ya.

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon