August came like a blur. Hindi naman masyadong hectic schedule ko nitong nakaraang kaya nasasamahan ko si Tristan sa shoots niya. Kaso minsan na lang 'yon dahil mas focus nga siya ngayon sa kan'yang kompanya. Nagsasabi nga iyon siya sa akin na gusto na niyang umalis sa pagmomodelo dahil mas nagiging busy lang siya dahil doon. Balak lang niyang tapusin ang ibang kontratang pinirmahan niya at hindi ulit pipirma.
Dito na rin ako sa penthouse ni Tristan minsan natutulog. Ayokong isipin ng iba na live in na kami. Lalo na rin at hindi ko pa siya napapakilala sa pamilya ko. Tho nakausap na niya si kuya sa pamamagitan ng video call.
Ngayon din pala ang release ng August issue ng magazine at brochure kung saan ako iyong partner ni Tristan sa isang wedding-themed photoshoot. Kaya dito ulit ako natulog dahil excited ako. Gusto ko makita ang mismong magazine. Ang alam ko'y ipo-post din iyon sa online site nila. Iche-check ko 'yon mamaya para magbasa ng feedbacks mula sa costumers and netizens.
Nagmamadali akong bumaba at pabagsak na sumalampak sa tabi ng lalaki na nakaupo sa isang three-seater na sofa.
"Ayan na ba 'yon?" excited kong tanong nang makitang may hawak na siyang magazine.
Tumango siya. Agad ko namang inagaw iyon sa kan'ya at pinagmasdan ang cover page nito. Si Tristan. Nakatayo siya habang nakasuot ng formal suit. May maliit na ngiting nakatingin sa camera. Wala naman siyang ginagawa pero parang nang-aakit ang datingan niya rito. Sobrang pogi niya.
Ramdam ko ang pagpulupot ng braso ni Tristan sa kabilang braso ko para ihapit ako mas papalapit sa kan'ya.
Nilingon ko siya. "Ang yummy mo tingin dito."
"Syempre, ako 'yan e," mayabang niyang sagot saka natawa.
Binuksan ko ang magazine. May mga editorial at iba pang articles doon. Pero agaw-pansin talaga ang mukha ni Tristan. Nakita ko rin ang sagot niya sa tanong na what is marriage?
"Marriage is a lifetime commitment?" Nilingon ko ang aking katabi. "Sobrang cliché ng sagot mo, mister."
"Cliché but it's true. Hindi lang basta-basta ang pagpapakasal. Dapat pinag-iisipan 'yon at dapat sigurado ka sa taong papakasalan mo," sagot nito.
"Nuks. Halatang date to marry ang peg mo ah? Mag-e-expect na ba akong papakasalan mo ako?" pagbibiro ko na ikinatawa niya nang sobra.
"Kapal ng mukha mo," natatawa niya pa ring saad.
Siniko ko siya. "Bakit? Hindi ka ba seryoso sa akin ha?"
"Wala naman akong sinabi. Natatawa lang ako kasi umaasa ka na."
"Ang sama ng ugali nito!" ungot ko. "Lakas ng loob pagtawanan ako oh."
"Love, of course I have plans for our future." Masuyo niyang hinaplos ang aking buhok. "If, and only if, we end up together."
"Hindi naman nakakasawa mukha mo kaya ayos na ako sa 'yo," sabi ko.
"Ako naman, nagsasawa na sa pagmumukha mo pero ayos lang. Kaya ko pang tiisin."
Inis akong kumawala sa yakap niya. Nakakabwesit talaga mang-asar ang tarantadong 'to.
Natawa siya sa naging reaksyon.
"I'm just joking..." pagpipigil-tawa niyang suyo sa akin.
"Heh! Ako pa inuuto mo."
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng sagot niya at halos lumuwa ang mata ko nang makitang nabanggit ang pangalan ko sa kan'yang sagot.
Is the hot bachelor planning to marry?
I am now considering to get married... especially now that I have my woman who makes me more excited to go home every after work. Her name's Egsel.
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...