Naghahanda na ako para sa pagpunta namin mamaya sa bahay ni sir Mitt. Si Tristan mismo ang sumundo sa akin kanina pagkatapos ng klase namin at sakto ring maraming studyanteng palabas din kaya nakita nila ang paghalik ng boyfriend ko sa aking noo. Buti na lang at walang nagbalak na sumugod sa pwesto namin. Akala ko kukuyugin si Tristan. Dito rin kami sa penthouse niya dumiretso. Buti na lang din at laging handa 'tong lalaking 'to kaya hindi na ako namroblema sa damit ko dahil mayroon na siyang napili para sa akin.
"Egsel, are you done? Let's go. It's almost seven. We'll be late," katok ni Tristan sa aking kwarto.
Nag-spray muna ako ng pabango bago muling humarap sa salamin. I am wearing a cute dress. Kulay puti ito na may maliliit na desenyo ng itim na bulaklak, above the knee at hanggang taas ng siko ko ang sleeve. Pinaresan ko iyon ng isang inch na silver heels. Ang tangin accessory na suot ko ay ang relo kong mumurahin. Regalo pa ito ni papa sa akin noong naka-graduate ako ng senior high school kaya importante ito sa akin.
Nang makitang maayos na ang aking itsura ay lumabas na ako sa kwarto.
"Okay na ba 'tong suot ko?" pambungad na tanong ko kay Tristan.
Pinasadahan niya muna ako ng tingin mula ulo hanggang paa saka nakangiting binalik ang tingin sa aking mukha. Hindi ako mahilig sa makeup kaya red lipstick at pulbo lang ang nilagay ko sa mukha ko.
"Nagmukha kang tao," saad niya.
Inis kong hinampas sa kan'ya ang hawak-hawak kong maliit na shoulder bag.
"Napakatarantado mo talaga," nakasimangot kong sabi.
Natatawa niya akong inakbayan saka humalik sa aking pisngi.
"Maganda ka naman talaga. May suot man o wala, maganda ka," bulong niya.
"H'wag mo akong inuuto, Tristan. Hindi mo ako madadala sa pagan'yan-gan'yan mo." Inirapan ko siya.
"Ay. Ayaw maniwala sa boyfriend. E 'di 'wag."
Nang makababa, diretso kami sa parking lot. Nang nasa byahe na ay saka ko siya tinanong.
"Kumusta ang parents ni sir Mitt? Strict ba? Masasama ang ugali? O matapobre? Gano'n?" pagtanong ko.
Natawa siya saka sandali akong nilingon bago muling binalik ang tingin sa harapan.
"Grabe ka naman. Mababait ang mga magulang ni Matteau. H'wag kang mag-alala. Siguradong magugustuhan ka nila."
"Honestly, wala naman akong pakialam kung hindi nila ako magustuhan. Hindi mo sila magulang kaya hindi ako masyadong kinakabahan sa magiging impression nila sa akin. Basta ang gusto ko lang, hindi nila iinsultuhin pagkatao ko. Baka ang bigla nila akong i-judge kasi ikaw boyfriend ko. Gano'n pa naman kadalasan sa mga telenovela. Basta galing sa mayaman na pamilya ang boyfriend, binibigyan ng isang milyon ang babae para iwan ang lalaki. Pero duh. Ba't ko tatanggapin ang isang milyon kung barya lang 'yon sa 'yo? Doon ako sa mas maraming pera, 'no," mahaba kong lintanya saka siya ningisihan.
"Ang dami mo namang sinasabi. Hindi ka naman nila bibigyan ng isang milyon. Ang swerte mo naman kung nagkataon," saad din naman niya.
"Malay mo, 'di ba? Baka lang naman."
"Ewan ko sa 'yo. Hindi ganoong tao ang mga magulang ni Mitt. I'm sure you'll like them, too. Don't think too much."
Nang makarating sa bahay ni sir Mitt ay ramdam ko na ang panlalamig ng aking kamay. Hindi naman ganito reaksyon ko noong nakaharap ko ang mga magulang ni Tristan. Ba't nga ba ako kinakabahan e hindi naman sila ang magulang ng boyfriend ko? I shouldn't think too much about what would be their impression of me.
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...