"I need to take you out for some shopping," biglang anunsyo ni sir.
Nakakapagtaka lang kasi dahil postponed lahat ng schedule niya ngayong araw. Inutos niya iyon sa akin kagabi pagkatapos kumain. May gagawin daw siya ngayon pero andito lang naman kami sa penthouse niya at walang ginagawa.
"Nakabili na ako ng iilang damit ko noong sumweldo ako, sir," saad ko.
"Maligo ka na roon, Egsel. Lalabas tayo." Inunahan niya akong magsalita, "H'wag kang aangal kung ayaw mong ako pa mismo magpaligo sa 'yo."
Nilapag ko sa center table ang platito kung saan naroon ang slices ng apple na kinakain ko.
"Nag-cancel ka ng important meetings ngayong araw para lang ipag-shopping ako?" inis kong tanong.
"Oo. Bakit?" Naghahamon ang tingin niya sa akin.
"Mukha mo, Tristan. Alam kong may binabalak ka," ani ko saka pumunta sa guestroom kung saan ako natutulog.
Buti na lang at iyong damit na suot ko noong unang araw ko rito ay nandito pa. May maisusuot ako ngayong aalis kami.
Hindi ko matukoy kung ano na naman trip ni sir ngayon. May posibilidad na gusto niya lang akong ipag-shopping. Pero dahil weekdays ngayon at knowing na hindi niya ugaling iwan ang trabaho para lang sa ganito, alam kong may mas malalim na rason.
Mabilis lang akong naligo. Hindi rin naman ako nag-aayos masyado at wala akong skincare routine maliban sa moisturizer kaya mabilis akong natapos.
Nakaitim na polo at slacks si sir nang maabutan ko siya sa sala.
"Let's go?"
Tinanguan ko siya at bumaba na kami. Palabas ng building ay sa likod ulit ako ni sir pumwesto. Pero itong kasama ko, hinila ako patabi sa kan'ya.
"Woy! Sa likod nga ako pumwesto para hindi tayo ma-issue!" angal ko.
"Walang ka-issue issue kung magkatabi tayong maglalakad, Egsel," aniya.
"Meron. Lalo na't hawak mo pa pulu-pulsuhan ko."
Napatingin siya roon at agad na binitiwan iyon nang mapagtantong hawak niya nga ako.
"Just don't mind them. We're not doing anything," saad pa niya.
Nang makasakay sa sasakyan ay muli ko siyang kinulit.
"Ano ba kasing ganap ngayong araw at naisipan mong lumabas ha?" tanong ko. "Iniwanan mo pa ng trabaho si Justine sa opisina mo."
Saglit siyang sumulyap sa akin. "Gusto mo sa 'yo ko ipagawa 'yon?"
"Education nga kinuha ko, major in English, dahil boplaks ako sa gan'yan. Pero kung gusto mo malugi kompanya mo, sure."
Umingos lang siya. "Sa botique tayo pupunta. We need to look for a perfect dress for you."
Tuluyan niyang nakuha ang atensyon ko.
"Dress? Para saan?" kuryuso kong tanong.
"I'll be attending a party this evening. It's for a good cause so I'm participating," aniya.
"Party? Bakit wala 'to sa schedule mo?"
"Mitt invited me," sagot niya. "There will be an auction. Magpapa-bid sila ng paintings at ang makakalap na pera ay mapupunta sa mga cancer patients."
My ear perked up upon hearing the word paintings. Wow. Ang ganda naman ng adhikain nila.
"Pero kailangan ba talagang may date? Hindi ba pwedeng pumunta kang mag-isa?"
"Ayaw mo bang pumunta?"
Napaisip ako. "Gusto..." Kasi gusto ko makita ang paintings na ibebenta nila.
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...