I was exactly a month and 20 days after when I first work as sir Tristan's PA. So far, it has been a nice job. Hindi naman masyadong hectic dahil parang raket lang naman ni sir ang pagmo-model. Mas focus pa rin siya sa kan'yang business. Kumbaga, sideline lang niya ang pagmo-modelo. But still, I always make sure that I am an efficient employee. Lalo na't palapit na ang pasukan at magiging busy na ako. Ayaw ko namang pabayaan trabaho ko habang nag-aaral. Minsan pa naman hindi consistent schedule ni sir.
Ngayon ay may shoot ulit siya kasama si miss Vernice Rodriguez. It's a shoot for endorsement. Hindi ako pamilyar sa brand dahil hindi naman ako mahilig sa gano'n pero syempre, bigatin iyon. A week from now naman, may runway show siyang dadaluhan.
I was able to talk to miss Vernice one time. She was the one who approached me first. She's really nice despite being maarte. She offered me her seat when she saw me standing for the whole time during the shoot. Mas namangha tuloy ako sa kan'ya. Halatang hindi siya iyong spoiled bad bitch na rich kid na matapobreng lagi kong nakikita sa movies. She's kind.
No wonder why people loves her.
Nag-call sila ng break dahil magbibihis na naman ulit at konting retouch. Sabay silang bumaba sa parang stage sa gitna at lumapit sa akin.
"Hi, Egsel!" may ngiting bati sa akin ni miss Vernice.
Pati ngipin niya, pantay-pantay. E di sana all, 'di ba?
"Hi, miss Vernice!" bati ko rin.
She laughed. "Drop the miss. Just call me Vernice. It's not like you're a stranger to me."
Napangiti na lang ako. Gusto ko sanang sabihing plastic siya pero hindi e. Ramdam ko talaga ang pagiging totoo niya.
"Oh, right. Magbibihis pa pala," biglang saad niya. "I'll head na sa dressing room ko. Baka my makeup artist is waiting for me there na."
She kissed sir Tristan's cheeks and bid her goodbye again.
Pagkaalis ni Vernice, kami naman ang nagtungo sa kwarto ni sir.
"Sure ka bang wala kayong relasyon ni Vernice? Parang ang close niyo e," ani ko.
Lumingon naman siya sa akin. "Bakit? Selos ka?"
"Mukha bang nagseselos ang mukhang 'to?"
"Kapag sinabi ko bang oo, aamin ka?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Aamin ako pero hindi oo ang sagot ko sa tanong mo. Affected ka lang porket nagseselos ka tuwing kausap ko si Jemwel."
Sumama naman timpla ng mukha niya nang marinig ang pangalan na 'yon. May dalawang beses pa kasi kaming nagkita ni Jemwel sa shoot din ni sir. Kumportable naman kami sa isa't isa at totoong entertainer siya, maraming baong biro, kaya hindi boring kapag siya ang kausap ko. Kaso itong si sir Tristan, parang baliw. Nalaman ko na lang na ni-ban na niya sa lahat ng shoots niya si Jemwel. Hindi na tuloy kami nagkita ulit. Tho we sometimes talk thru texting. We both have cellphone numbers of each other. Hindi iyon alam ni sir.
"Hindi ka naman nakikipagkita roon, 'no?" tanong niya.
Mapang-asar ko siyang ningisihan. Hindi kami nagkikita pero nag-uusap pa rin kami.
Wala naman akong interes kay Jemwel. Magkaibigan lang kami at alam kong gano'n din siya sa akin dahil minsan na niyang nabanggit na may nililigawan siya.
Umakto muna akong nag-iisip ng sagot. Dahil do'n ay napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Natigil din tuloy ako.
"You're meeting with him behind my back?" akusa niya.
"Bakit ko muna sasagutin tanong mo?" mapanuyang tanong ko.
"Because obviously, Egsel, it's a question!" He even rolled his eyes.
BINABASA MO ANG
BS #1: Egsel's Art Subject
RomanceBelleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang mapagdesisyunang makipagsapalaran sa Manila, walang ibang inaasahan si Egsel kung 'di ang magtrabaho nang maayos at ang makapagtapos para muli...