28

4.5K 155 46
                                    

Tristan's POV

"How is she, Doc? Is there something we should worry about?" agad na tanong ko sa doctor nang makasalubong ito.

"She's fine, Mr. Vargaz. She just had a panic attack. She's doing better now and she might wake up any minute from now. Don't worry. She's okay."

Doon lang ako nakahinga nang maluwag. I was really worried when I saw how shocked she was while staring at Villarel family. Hanggang ngayon ay hindi ko lubusang makuha kung ano ba ang pinag-uusapan nila kanina. Isa lang ang namumuong konklusyon sa isip ko.

Egsel is their daughter.

Wala akong alam na may anak silang babae. High school na kami ni Matteau nang makilala ang isa't isa. Wala naman siyang nabanggit sa akin na may kapatid siya. Basta ang alam ko ay nag-iisa lang siyang anak nina tita Emilia at tito David.

"She doesn't remember any of us, Mom! Why did you shock her? She had a panic attack because of the sudden truth you dropped!"

Napalingon ako kay Matteau na sinisermunan ang inang nakaupo sa harapan niya. Sa tabi ng ginang ay ang asawa. Si Matt naman ay nakatayo lang.

"I missed my daughter, Matteau! What will you expect me to do? Just watch her leave our home without acknowledging us? She doesn't remember a thing! She have forgotten about us! That hurts a lot!" iyak na sigaw ni tita.

Napatitig lang ako sa kanila. So Egsel is really a Villarel? But how?

"I already told you to take it slow! We will introduce ourselves to her slowly.  At talagang wala siyang maaalala dahil apat na taon pa lang siya noong ibinigay niyo siya kay Manang Maricel!"

"Don't shout, Mitt Matteau. Your mother is as emotional as she already is. Stop making it worse," suway naman ni tito David sa anak.

"What should we do now? I'm sure Egsel will push us away!"

Lumapit ako sa gawi nila. Ayaw kong makisali ngunit kahit papaano ay alam kong may karapatan akong malaman din ang totoo dahil parte na ako ng buhay ni Egsel.

"What was that about, Matt? Is there something I should know?"

Napalingon silang tatlo sa akin. Mariing pumikit si Matteau saka huminga nang malalim.

"Let's talk outside," saad niya.

"I can't leave Egsel. The doctor said she might wake up anytime," ani ko.

"Mom and Dad's here."

"From what I heard, I don't think my girlfriend will appreciate seeing them inside her room," mabilis kong sagot. "Give her time. I don't want to see her unconscious again because of another panic attack."

Tumango naman ako kay Matteau. "Sa loob tayo ng kwarto ni Egsel mag-usap. Hindi ko siya pwedeng iwan."

"Tristan's right, Mom, Dad. Let's give her time. Sasamahan ko muna si Tristan dito. Kilala niya ako pero hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita ako rito. Tatansyahin ko muna ang magiging reaksyon niya. Kung ayaw niyang makita ako ay hindi rin muna ako mangungulit. Pero kapag gusto niyang makipag-usap, kakausapin ko siya bago ko kayo tatawagin para rin makipag-usap sa kan'ya."

Tahimik lang akong nakinig sa kanila. Naisip ko rin tuloy sina tita Maricel at tito Mario. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang nangyari. Pero ayokong pangunahan si Egsel. Siguro ay kapag tumawag si Reoron sa akin, magsasabi ako ng totoo pero hahayaan kong si Egsel ang magkwento ng lahat.

"We'll go home once Egsel wakes up. For now, let us stay here. Hindi kami papasok sa loob. Hindi kami magpapakita sa kan'ya. Dito lang kami sa labas hanggang sa gumising ang anak namin," saad ni tito David.

BS #1: Egsel's Art SubjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon