Prologue

7.3K 127 7
                                    

A silent love is not an ordinary one. Because you love him. You love him more than anyhting else. Whenever you see him, you have so many butterflies floating through your stomach. But they said, it is all about caring and being there for someone because you want to, not because you will get anything in return. When can say silent love is the deepest bond we can ever feel in this world. Love is a very beautiful feeling. Everyone fall in love for once in life... But, I can't tell that person that I love him. I can't tell him that I'm falling inlove with him. No. I can't...

Impossible, right? To be inlove with someone who doesn't even know you who you really are. But you know everything about him. Everything.

Everyone can tells me to get over it, that it'll never be happen. But for some odd reasons, my faith stays strong that one day, he'll love me too.

I hope...

Tumigil ako sa pagsusulat sa aking kuwaderno nang napukaw ng aking atensyon sa labas. Umaawang nang bahagya ang aking bibig dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. My face turns into sadness. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Yumuko ako't itiniklop ko ang kuwaderno. Hinawakan ko ang tasa ng kape saka ininom ko ito hanggang sa hindi ko na namalayan maubos ito. Inilapat ko ang aking mga labi nang ibinalik ko ang aking mga mata sa labas. Ang iba ay nagtatakabo sa gilid ng kalsada dahil natatakot silang mabasa sa ulan. Ang iba naman ay aligaga sa pagbuklat ng kani-kanilang mga payong.

Bakit natatakot yata silang mabasa ng ulan? Dahil sa natatakot silang magkasakit? Pero bakit ang iba ay tuwang-tuwa pa sa tuwing umuulan? Minsan pa ay naglalaro pa ang mga ito?

Ilang saglit pa ay tumayo na ako't niyakap ang aking maliit na kuwaderno. Itinulak ko ang pinto ng naturang Coffee Shop. Madalas akong narito sa Binondo.Tumigil ako saglit dahil may hinihintay ako. Rinig ko na may nagsara ng pinto ng sasakyan. Napatingin ako sa direksyon na iyon. May isang lalaking naka-corporate attire, nagmamadaling lumapit sa akin saka pinasilong sa akin ang hawak niyang malaking payong. Sinunod ko iyon. Todo-bantay pa niya dahil baka mabasa ako ng tubig-ulan pero binabalewala ko na iyon.

Maingat niya akong ipinasok sa backseat ng sasakyan. Huminga ako ng malalim, chineck ko ang hawak kong notebook na baka mabasa. Napangiti ako nang bahagya. Mabuti nalang ay hindi ito nabasa mula sa pagkayakap ko dito. Hinintay ko nalang na makasakay ng sasakyan ang lalakingnagsundo sa akin dito sa loob. Iba pa ang driver na kinuha ni mama at papa para sa akin.

Nang umusad na ang sasakyan ay tumunog ang aking cellphone. Text message. Kumunot ang noo ko dahil mula kay mama ang mensahe. Sinilip ko kung anong gusto niyang iparating sa akin.

FROM MAMA :

Lyndy, anak. Naulan ngayon. Huwag na huwag kang magpapakabasa ng ulan dahil kikitain pa natin ang mga Hochengcos mamayang gabi. Remember?

Kinagat ko ang aking labi saka nagtipa ng isasagot sa kaniya.

TO MAMA :

Yes, mama.

Then I hit send. Ibinalik ko sa bulsa ng aking bestida ang telepono. Dumungaw ako sa window pane ng sasakyan. Isinadal ko ang gilid ng aking ulo sa bintana.

Muntik ko nang makalimutan na ngayon ko na makikilala ang tinutukoy nilang fiancé. Nakikita ko naman siya sa mga pictures through newspapers and magazines, dahil sikat ang pamilya nila pagdating sa larangan ng negosyo. Isa din sila sa pinakamalaking stock holders. Ang pamilya ko ay isa sa mga share holders ng Hochengco Prime Holdings, pati sa food business ng mga ito.

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon