Chapter 6

2.4K 91 1
                                    


Pabalik na sana ako ng kuwarto nang may isang kamay na humawak sa isang braso ko. Natigilan ako't tumingin sa nagmamay-ari ng kamay na 'yon. Si Zvonimir. Muling nagtama ang mga mata namin. Parehong nakaukit sa aming mukha ang hindi makapaniwala. Dahil sa inakto ni Zvonimir ay ramdam ko ang paghuhuramentado ng aking puso. Imbis na sambitin ko ulit ang kaniyang pangalan ay hindi ko magawa. Ayaw muli lumabas ang aking boses.

Kita ko na nanumbalik ang kaniyiang ulirat. Agad niyang binitawan ang braso ko. Siya ang unang bumawi ng tingin. Inilipat niya iyon sa ibang direksyon. "S-sorry..." he said huskily.

Lumapat ang tingin ko sa sahig. Tumango ako. Ibig kong iparating na ayos lang at walang kaso. Hindi naman ako nagulat nang sobra. Kaunti lang. Siguro dahil sa hindi ako sanay na ganyan ang kinikilos niya. Ngumiti ako sa kaniya. Niyuko ko nang bahagya ang aking ulo para magpaalam na't dumiretso na ako sa guest room.

Tagumpay akong nakapasok sa kuwarto. Napasapo ako sa aking dibdib. Alam ko, nabigla siya nang narinig niya ang boses ko, sa wakas. Sa loob ng maraming taon ay ngayon ko lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob para makapagsalita sa harap iba. Ang unang nakarinig ng boses ko ay si Zvonimir. Pero sana, huwag na muna niyang sabihin sa pamilya ko tungkol doon dahil malaking adjustment para sa akin ang bagay na ito.

Sana talaga.

Sumampang ako sa ibabaw ng kama. Nakipagtitigan ako sa kisame. Kusang sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang may sumagi sa aking isipan. Dumapo ang hintuturo kong daliri sa aking mga labi. Dahan-dahan nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung anong kagágahan ang nagawa ko kanina!

Mabilis akong bumangon. Napahawak ulit ako sa mga labi ko.

NAHALIKAN KO SI ZVONIMIR HOCHENGCO!

I cover my face. Nakakahiya! Ano nalang ang mukha na maihaharap ko sa kaniya bukas?! Mabibigyan kaya niya ng kulay ang ginawa kong iyon?!

Act fool, Lyndy! Act fool! Tama!

Pero sana makatulog ako dahil kailangan ay maaga akong gigising bukas!

**

Nagluto ako ng egg rolls, broiled fish, rice balls, tsukemono (Japanese pickles) at sea weed for breakfast. Sinadya ko talaga na gumising ng maaga para naman makapaghanda ako. Iniisip ko kasi na maayos ang trato sa akin ni Zvonimir noong engagement namin hanggang sa pinatuloy niya ako dito resthouse nila. Ito nalang siguro ang naisip kong sukli sa kabutihan na ipinakita niya.

At saka, kaya lang ako natuto magluto ng mga japanese dishes ay dahil na rin sa cravings ko. Kaya hanggang dito ay nadala ko. Napakialaman ko pa ang mga stocks dito sa ref ay pinagtripan ko na. Sana ay hindi magalit si Zvonimir kapag nakita niya ito.

"Good morning,"

Hindi ko alam kung bakit biglang tumindig ang balahibo ko nang marinig ko ang mababa at malamyos na boses niya. Mabuti nalang ay naipatong ko na ang seaweed soup sa mesa dahil kung hindi, paniguradong matatapon lang ito sa sahig. Dagdag aberya pa!

Mabuti na lang din ay tapos na akong magluto nang bumaba na siya dito.

Lumingon ako sa kaniya at napangiwi. Tumango ako bilang balik-bati sa kaniya.

Natigilan siya nang makita niya ang hapag sa mesa. He looked surprised. "Marunong ka pala magluto." rinig kong kumento niya. Hindi matanggal ang tingin niya sa mesa.

Ngumiti ako saka tumango bilang sagot. Hinila niya ang isang upuan saka umupo doon. Hihilahin ko na sana ang upuan na sa tabi niya pero bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at hinila ako hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa kaniyang kandungan! Namilog ang mga mata ko't bumaling sa kaniya. Heto na naman ako, hindi na naman ako makahinga kapag talaga masyado siyang malapit sa akin!

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon