Hindi ko na namalayan kung ilang box ng tissue na ang naubos ko dahil sa kakaiyak sa pinapanood ko. Bakit kasi nagawa kong iyakan ang isang barko?! Kainis, kahit na anime itong pinapanood ko, nadala ako nang sobra. Wala na! Wala na si Going Merry! Ano na ang gagamiting barko ng Strawhat crew nito kung sakali?! Gagawan na ba sila ng Galley-La ng bagong barko?!"Oh, umiiyak ka na naman..." puna sa akin ni Manang Laida, papalapit siya sa akin. May dala siyang tray na may juice at sandwiches. Inilapag niya iyon sa mababang mesa dito sa kuwarto ko.
Ngumuso ako habang nagpupunas ng luha. Kinuha ko ang aking tablet sa aking tabi. May sinulat ako doon saka ipinakita ko iyon kay Manang Laida. "Nakakaiyak po kasi." iyan ang isinulat ko. Nilapag ko ito ulit sa aking tabi. Kumuha ako ng isang sandwich pagkatapos ay sumubo ng kaunti dahil bigla akong ginutom dahil sa pag-iyak.
"Oh siya, maiwan na muna kita dito, at maglalaba muna ako. May pupuntahan ka ba mamaya?"
Ngumuso ako habang nag-iisip. Sa huli ay nagkibit-balikat ako bilang tugon. Hindi kasi ako sigurado kung aalis ba ako o hindi. Fifty-fifty din ang desisyon ko. Baka mamaya kasi pupunta ulit ako ng Coffee Shop para tumambay, kung sakaling mabobored ako dito sa bahay. At saka, abala pa sina mama at papa sa kumpanya dahil sa pagkaalam ko ay may kikitain silang mga bagong kliyente na galing pang Taiwan. Hindi nga lang ako sigurado kung anong oras sila makakauwi mamaya.
Pínatay ko muna ang laptop ko para matulog muna. Kahit wala naman akong ginagawa ay napagod ako sa kakaiyak.
**
Hapon nang nagising ako. Napagpasyahan kong lalabas muna ako ng bahay. Mamasyal muna ako bago ako tatambay sa Coffee Shop. May kasama akong pumunta doon. Ang bodyguard at ang driver ko. Mahigpit kasing bilin nina mama at papa sa kanila na hindi sila pupwedeng mapalingat sa pagbabantay sa akin. Hindi ako makakalabas ng bahay na hindi ko sila kasama. Dati, hindi naman talaga ganito ang buhay ko. Sobrang malayang malaya ako dahil nagagawa ko ang gusto ko sa tamang paraan. Nakakapunta ako kung saan-saan kahit wala akong bitbit na bodyguards o ng driver. Nagawa ko pang makihalubilo sa mga tao pero dahil sa insidenteng iyon, nagbago ang ikot ng buhay ko. Pero, naiitindihan ko naman sina mama at papa, gusto lang nila ako protektahan at ayaw na nilang maulit ang pait ng kahapon sa buhay ko.
Nagsuot ako ng off shoulders summer dress na hanggang tuhod ko lang ang haba. Itinerno ko ito sa isang pares ng sandal. Nag-apply ako ng CC cream, eyebrows cheek at lip tint sa aking mukha. Ngumiti ako habang nakaharap ako sa salamin ng dresser. Nagsuot na din ako ng straw sun hat. Pinuntahan ko ang couch at kinuha ko doon ang nakapatong kong shoulder tote bag bago ako lumabas ng kuwarto.
Pagkalabas ko ay nakasalubong ko pa si manang Laida na may hawak siyang basket. "Oh, aalis ka pala. Mag-iingat ka sa lakad mo."
Muli akong ngumiti at tumango. Kumaway pa ako sa kaniya bago ko man siya nilagpasan. Para akong bata habang pababa ako ng hagdan. Nadatnan ko si Bram na nasa pinto lang at nakatayo. Tila inaabangan niya ako. Malapaad akong ngumiti sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin siya sa akin. Sanay na ako sa ekepresyon ng kaniyang mukha. Hindi na ako nagtataka dahil kasama ito sa kaniyang trabaho. At saka, kaedaran ko lang siya. Teenager palang ay naninilbihan na siya sa amin. Pareho sila ng kaniyang ama na nagtatrabaho sa amin bilang bodyguard.
"This way, Miss Lyndy." pormal niyang wika, nilahad niya ang kaniyang palad para ituro sa akin ang daan patungong garahe, kung nasaan ang sasakyan na gagamitin sa aking pag-alis.
BINABASA MO ANG
Silence And Pride | Completed | R18+
RomanceHOT AND NASTY NIGHTS SERIES 2: Lyndy Yudatco, is a chinese-filipina, the only heiress of the clan. She got everything. Family, a power and wealth, except one thing: a voice. Yes, she's mute and she's fix to marry to Zvonimir Ho, a good-looking and a...