Chapter 4

2.5K 99 6
                                    

Author's Note : Bakit hindi gumagamit ng sign language si Lyndy? 'Cause she's not totally mute, she's suffering Selective Mutism. It is a PSYCHOLOGICAL disorder. It is a complex childhood anxiety disorder characterized by a child's inability to speak and communicate effectively in SELECT SOCIAL SETTINGS, such as school or public places. These children are able to speak and communicate in settings where they are comfortable, secure and relaxed. Plus, madadala nila ito kahit sa pagtanda nila. Thanks.

***


Sina Bram at Gela ang pinapaasikaso muna kung kailangan ng verbal explanations. Kumbaga, sila ang spokesperson ko. Hindi ako nagkamali na isama sila dahil ganito pala ang pakiramdam kapag tutulong ka sa ibang tao. Ang sarap lang. Kasi naniniwala ako na mas maraming blessings na dadating sa iyon kapag may matutulungan ka na bukal sa isang puso.

Dahil sa hindi ako nakakapagsalita, nasa tabi lang ako ni Zvonimir at siya ang nagluluto. Hindi rin ako nagkamali na isama siya. Anak siya ng isa sa mga sikat na Molecular Gastronomy Chef, si Vladimir Ho kaya paniguradong marunong din siya magluto. Kahit ang iba pa niyang kapatid, or sabihin natin na karamihan sa pamilya nila. Ano pa bang silbi na meron silang food business tapos hindi sila marunong magluto, hindi ba?

Habang abala ang mga kasamahan namin sa labas para asikasuhin ang mga residente, ay inumpisahan na din ni Zvonimir sa pagluluto. Arozcaldo daw ang lulutuin niya.

"Siopao, pakiabot ang mga hiniwang manok." bigla niyang sabi habang nakatutok siya sa kaniyang niluluto.

Ewan ko ba kung bakit kusa akong kumilos. Kanina pa niya akong tinatawag na siopao sa hindi ko malaman na dahilan. Humihingi ba siya sa akin na siopao eh sa pagkaalam ko ay wala akong nautusan na magdala ng mga iyon. Nilapitan ko ang mesa na yari sa kawayan. Kinuha ko ang dalawang planggana na naglalaman ng mga nahiwa nang mga manok. Inabot ko ang mga iyon sa kaniya. Pinapanood ko siya kung papaano magluto. Sa lagay namin ngayong dalawa ni Zvonimir, ako ang sous chef, kumsabagay ay tama na din ito para naman may maitulong at kumikilos pa rin ako kahit na hindi ako nagsasalita o makakausap ng mga tao sa paligid ko.

Ilang minuto pa ay luto na ang arozcaldo na niluto ni Zvonimir. Tingin palang ay natatakam na ako. Hindi lang tingin, kahit sa amoy palang! Ano pa ba ang maaasahan ko sa anak ni tito Vladimir Ho?! Basta mga Hochengco, magagaling magluto. Kahit si Rowan na anak ni tito Finlay ay magaling din magluto dahil natikman ng isang beses ang niluto niya noong dumalo kami sa isang party!

"Miss Lyndy, ayos lang po ba kayo?" biglang tanong ni Bram na napasok siya dito sa Kusina.

Bumaling ako sa kaniya pagkatapos kong ipatong ang mga mangkok sa mesa. Ngumiti ako't binigyan ko siya ng thumbs up bilang sagot ko. Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng suot kong apron. Nagtipa ako ng tanong para sa kaniya. Ipinakita ko din iyon di kalaunan. "Nadistribute ninyo na ba ang mga donations?"

"Ah, opo. Naibigay na po namin." magalang niyang sagot.

"Kakain na," biglang sabat ni Zvonimir sa gilid namin. Bumaling ako sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha. Napangiwi ako dahil naramdaman ko na naman ang awra niya na nagiging halimaw na naman siya! Bumaling siya kay Bram. Itinuro niya ang malaking kaldero sa kaniyang likuran. "Dalhin mo na ito sa labas para makakain na sila." malamig na utos niya.

Naniningkit ang mga mata ni Bram. Sa huli ay wala na siyang magawa kungdi sundin nalang ang inuutos nito. Nilagpasan niya kami't kinuha niya ang malaking kaldero. Lihim ko kinagat ang aking labi. Binibigyan ko ng simpatyang tingin si Bram dahil mukhang nahihirapan siya dahil sa bigat n'on. Pero hindi ko inaasahan na tutulungan din naman pala siya ni Zvonimir!

Pinapanood ko lang sila hanggang sa nakalabas sila mula dito sa Kusina. Lihim ako napangiti dahil biglang may nag-activate mula sa aking sistema-base sa nakikita ko, ang sweet nilang tingnan...

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon