Chapter 5

2.6K 98 3
                                    


After community service, napagpasyahan ko na sumama kay Zvonimir. Pinauna ko na sina Bram at Gela sa Manila. Nabanggit kasi ni Zvonimir na gustuhin sana niyang sulitin ang bakasyon at dadalhin daw niya ako somewhere in Green Valley tutal ay may property daw sila doon. Mabilis ko siyang pinagbigyan. Hindi lang dahil mapapangasawa ko siya, magaan ang loob ko sa kaniya at may tiwala ako. Kahit naman ang parents ko ay malaki ang tiwala sa kaniya kaya nagawa kong magpaubaya.

Mga nakahilerang pine trees agad ang sumalubong sa akin nang pumasok ang sasakyan niya sa isang ekslusibong subdivision dito sa Baguio. Tahimik lang akong nakadungaw sa labas. Pinaglalaruan ng mga daliri ko ang suot kong strap ng seat belts. Hindi ko maitago ang excitement na aking nararamdaman ngayon. Matagal na panahon na rin bago ulit ako nakalabas at dumayo pa sa ibang lugar, maliban sa Maynila. Gusto ko rin makalanghap ng sariwang hangin na hindi galing sa syudad.

Nang tagumpay na nai-park ni Zvonimir ang kaniyang MG sa garahe ng isang resthouse ay nahagip ng aking paningin ang isang matandang babae na masayang kumakaway sa amin. Nang sulyapan ko ang kasama ko ay inangat ang dalawa o tatlong daliri niya kahit na nanatiling nakahawak pa ito sa manibela ng sasakyan. Sa lagay na 'yan ay bumalik siya ng bati.

"And we're here," he finally announced when he stopped the car and turning off the engine. Sumulyap siya sa akin. Pansin ko ang ngiti sa kaniyang mga labi na pinili kong balewalain 'yon.

Nang kinalas ko na ang suot kong seatbelts ay binuksan na niya ang pinto na nasa kaniyang gilid hanggang sa tuluyang nagbukas ang pinto sa aking gilid. Nagtataka akong tumingala sa kaniya dahil nilahad niya sa akin ng isang palad niya. Ginawaran ko siya ng maliit na ngiti. Kahit na ginagapangam ako ng hiya ay tinanggap ko 'yon. Inaalalayan niya akong makalabas sa kaniyang sasakyan.

"Maligayang pagdating, Señorito Zvo." nakangiting salubong ng matandang babae sa aming harap. Binalingan niya ako na hindi nabubura ang kaniyang ngayon. "Kayo pala si Miss Lyndy? Ang mapapangasawa ng Señorito?"

Oh, she must be a housekeeper.

"Siya nga po, Manang Elay." pormal na tugon ni Zvonimir sa kaharap namin. Mabuti na rin at siya ang sumagot dahil aware naman siya kung ano ang kondisyon ko.

"Kung ganoon, nakahanda na po ang lahat sa loob po. Mamalengke muna ako."

"Salamat, Manang Elay."

Nang tuluyan nang nakalayo si Manang Elay ay ramdam ko na ang mainit na palad ni Zvonimir. Marahan niya akong iginiya papasok sa naturang resthouse na nasa harap namin.

Mga mamahaling mwebles agad ang sumalubong sa amin pagtapak namin sa loob. Hindi rin maitanggi na pinag-isipan at maganda ang pagkadetalye ng bawat sulok ng bahay n ito. Mula rito ay tanaw din ang sa pamamagitan ng dingding na yari sa salamin ang malawak na hardin na iba't ibang klase ng mga bulaklak, kahit mga ornamental plants pa. Naputol ang pagtitingin ko nang sabihin ng kasama ko na ihahatid na niya ako sa magiging kuwarto ko kaya sumunod na lang din ako. Pwede ko naman ibalik ang pagtitingin ko sa mga ito kapag okay na at may oras na.

Hindi ko mapigilang umaawang ang bibig ko nang nakapasok ako sa loob ng kuwarto ng resthouse nina Zvonimir. Simple pero ang ganda sa paningin ko. Guest room pero daig din na master's bedroom! Teka, hanggang kailan naman kami mananatili dito?

Lumapat ang mga palad ko sa salamin ng bintana na nasa harap ko. Napaletra-O ang bibig ko nang tumambad sa akin nang klaro ang malawak at magandang hardin na nasa likod lang ng bahay na ito! Sa ambiance pala ng paligid, mukhang magiging panatag nga ang kalooban ko dito. At saka, nawala din sa isip ko ang ako ang mapapangasawa ni Zvonimir dahil nadala ako ng aking emosyon, iyon ay ang excitement ko!

"Nagustuhan mo ba?" rinig kong tanong ni Zvonimir na nasa gilid ko.

Bumaling ako sa kaniya at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Tumango ako bilang sagot sa kaniyang katanungan. Through my expressions, ipinapakita ko na nasiyahan nga ako sa lugar na ito. Hindi naman siguro ako mabobored masyado dito.

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon