Chapter 12

2.1K 73 2
                                    


Napadpad kami sa isang kubo na nasa pusod ng kagubatan. Tinulak-tulak ako habang papasok doon. Rinig ko ang ilang tawanan ng mga lalaki mula sa loob. Sa pagpasok ko nanigas ako sa kinakatayuan ko nang tumambad sa amin ang dalawang lalaki at si Gela na nakatali sa katre na yari sa kawayan! Napasinghap ako sabay pinipiga ang puso ko dahil kaawa-awa ang kaniyang hitsura. Pakiramdam ko ay ginapangan ako ng Adrenaline Rush nang wala sa oras kaya agad ko siyang dinaluhan.

"Gela..." humihikbi kong tawag sa kaniya.

"L-Lyndy..." pinaghalong taranta at takot sa kaniyang mukha. "N-natatakot ako... Natatakot ako..." naiiyak niyang sabi.

Dahil sa hindi ko siya mahawakan ay inilapat ko ang aking noo sa kaniyang balikat saka pumikit ng mariin. Sa pamamagitan nito, macomfort ko naman siya kahit papaano. Sige ang iyak naming dalawa. Kaming dalawa nalang ang magtutulungan dito. Wala pa naman sina mama at papa ngayon. Hindi ko alam kung maaabutan pa nila akong buhay bago man sila makauwi dito sa Pilipinas.

"Papaano 'yan? Eh di mas malaking ransom ang makukuha natin dahil mula sa magkaibang pamilya ang dalawang ito. Mukhang mayayaman pa!" bulalas ng isa nilang kasamahan. "Tiba-tiba tayo dito!"

Biglang nagbukas ang pinto ng kubong ito. Napaawang ang bibig ko nang may tatlo pang lalaki na pumasok dito. Ang isa sa kanila ay kilala ko - tumutulo ang d*go  mula sa sentido at nanghihina. "B-Bram..." mas nanghina ako nang bigkasin ko ang pangalan niya.

Bigo ako makakuha ng sagot mula sa kaniya. Patapon siyang hinagis sa sahig. Lumiyad at dumaing sa sakit si Bram sabay sapo sa kaniyang tagiliran. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya kahit na nakagapos ang mga kamay ko.

"M-Miss Lyndy..." nanghihinang tawag niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Iniisip ko kung papaano nakapasok sa bahay ang kidnapper ko. Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko nang may napagtanto ako. Ibig sabihin, nakabantay na talaga sila sa labas ng bahay? Bago man makarating ang isa sa kanila sa kuwarto ko, nagawa nilang umatake kay Bram na nagbabantay sa akin ng mga oras na 'yon?! May plano na talaga sila sa una palang!

Tumayo ako at humarap ako sa kanila. "Ano bang kasalanan ko sa inyo? Lalo na sa iyo?!" hindi ko mapigilang sumigaw. "Ano bang kailangan ninyo sa akin pati ang mga taong malalapit sa akin, dinadamay ninyo?!" kahit na nangingibabaw ang takot sa aking sistema ay pilit kong labanan iyon.

Seryosong lumapit ang dating voice coach ko. Inangat niya ang isang paa niya at walang sabi na tinadyakan niya ako. Nauntog ang likod ko sa pader na yari sa kahoy. Napangiwi ako dahil sa sakit.

"Miss Lyndy!"

"Lyndy!"

"Tarantad* ka!" akmang susugurin sana ni Bram ang lalaking nasa harap namin pero natigilan siya dahil biglang itinutok sa kaniya ang hawak nitong baril.

"Dahil hinding hindi ko makakalimutan kung anong ginawa sa akin ng tatay mo, babae!" bulyaw niya sa akin. Lumapit ang isa niyang kasamahan at itinutok ang hawak nitong baril kay Bram. "Isa lang naman akong simpleng empleyado ng kumpanya ninyo, kahit anong gawin ko para pag-igihan ang trabaho ko, nagawa pa rin akong tanggalin ng g*go mong ama!"

Natigilan ako. I-ibig sabihin, hindi lang dahil sa pera ang dahilan kung bakit nagawa niya akong i-kidnap noon?

"Iniwan ako ng asawa ko at sumama sa ibang lalaki. Ang anak ko ang nagtrabaho kahit nag-aaral pa na dapat ay ako ang gumagawa n'on! Na dapat ako, ang magtutustos ng pangangailangan niya hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral!" mas naging matigas ang pagpahayag niya. Ramdam na ramdam ko ang matinding galit niya para sa tatay ko. "Ano ang mararamdaman mo na bigla mo nalang mabalitaan na nam*tay ang anak mo habang pauwi ng bahay, ha?! Anong alam mo sa pakiramdam na wala ka nang magawa para iligtas ang sarili mong anak, ha?!"

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon