Chapter 11

2.2K 66 1
                                    


Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nasa harap ako ng laptop ko. Nililipat-lipat ko ang mga litrato noong nasa Japan kami. Bago man kami nakaalis doon ay hindi napako ang pangako sa akin ni Zvonimir. Nakabisita kami mismo sa Thousand Sunny ng One Piece! Dahil umaandar na naman ang pagiging anime geek ko, panay pa-picture ko sa bawat sulok ng barko. Ang fiancé ko pa ang ginawa ko talagang photographer. Pagkatapos ay naghahanap kami ng Ramen House. Nababasa ko kasi na hindi ka puwedeng umalis ng Japan hangga't hindi mo pa natitikman ang ramen. Naalala ko tuloy si Naruto, dahil favorite food niya 'yon.

Pagtiklop ko ng laptop ay nagpasya akong umalis muna. Gusto kong tumambay sa Coffee Shop kung saan ako madalas ako nagpupunta. Nag-iwan ako ng mensahe kay Bram na aalis ako. Umalis sina mama ngayon, nasa Shang Hai sila ngayon para sa business proposal nila. Panatag naman sila dahil maraming nagbabantay sa akin dito. Hindi lang ang mga bodyguard na na-hired nina mama, kahit ang side ng mga Hochengco ay nababantayan na din ako. Ang hindi ko lang inaasahan ay nagiging mas malapit ang pamilya ko sa kanila. Mas lalo lumaki ang tiwala ng parents ko sa kanila.

Naligo at nagbihis ako. Isang floral dress at doll shoes na nabili ko sa Shibuya ang isinuot ko. Kadalasan, ang mga maid ang nag-aayos sa akin sa tuwing lalabas ako, pero ngayon, nagpasya ako na ako na. Kaya ko naman, eh. Nasanay lang siguro sila na mala-prinsesa ang trato nila sa akin kahit hindi naman dapat.

Nang inilapag ko ang make up brush sa dress ay sunod ko naman kinuha ang cellphone. Ngumiti ako dahil ang wallpaper ko ay ang picture naming dalawa ni Zvonimir at ang background namin ay ang mismong Thousand Sunny. Inilapat ako ang mga labi ko. Nag-iwan ako ng mensahe sa kaniya dahil alam ko, nasa meeting siya ng ganitong oras. Ayoko naman maka-istorbo sa kaniyang trabaho.

To Zvonimir :

Zvonimir, lalabas lang ako, ha? Pupunta ako sa Coffee Shop. Nabobored ako dito sa bahay. Tinext ko na din si Gela na samahan ako. Kasama namin si Bram.

Then I hit send. Tumayo na ako mula sa harap ng dresser. Dinaluhan ko ang aking bag na nakapatong sa aking kama. Isinublit ko na 'yon sa aking balikat. Dumiretso na ako sa aking kuwarto saka pinihit ang doorknob hanggang sa tagumpay akong nakalabas.

"Good afternoon po, manang!" masiglang bati ko nang nakasalubong ko si Laida dito sa Hallway ng bahay namin.

"Magandang hapon din, anak. Teka, saan ang tungo mo? Kumain ka na muna bago umalis..."

Lumapad ang ngiti ko. "Tatambay po muna ako sa Coffee Shop. Magkikita din po kami ni Gela ngayon." tugon ko.

"Ah ganoon ba? Kung ganoon, magtitira nalang ako ng ulam para sa iyo."

"Salamat po, manang!" niyakap ko siya. Ginantihan niya din ako ng yakap. Nang kumalas na ako ay muli pa ako nagpaalam sa kaniya hanggang sa nakababa na ako sa hagdan. Nasa entrada si Bram, nakatayo at inaabangan ako. "Bram!" tawag ko sa kaniya.

"Miss Lyndy..." para siyang natataranta sa harap ko sa hindi ko malaman na dahilan. Nang nasa harap ko na siya at mas naging pormal ang kaniyang kinikilos. "Nakahanda na po ang masasakyan ninyo." nilahad niya ang kaniyang palad sa direksyon kung nasaan ang sasakyan na gagamitin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Masaya akong pumasok sa backseat ng sasakyan. Pinagsarahan na niya ako ng pinto. Nagmamadali siyang pumasok sa frontseat na nasa tabi lang ng driver. Doon ay umusad na din ang sasakyan. Muli ko sinilip ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng reply mula kay Zvonimir.

From Zvonimir :

Alright, siopao. Please take care. After my work, I'll pay some visit for you later. I love you.

Pagkabasa ko ng mensahe niya ay awtomatikong nag-init ang magbilang pisngi ko. Grabe, ganito talaga ang impact o epekto kapag isang Zvonimir Hochengco ang mapapangasawa mo. Kahit hindi naman kayo magkasama pero nagagawa pa rin niyang maging sweet!

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon