Nang mahimasmasan na ako ay naisip ko na ito na ang simula para makapagsalita na ako sa harap nila. Na kaya kong lumabas mula sa isang madilim at masikip na kahon. Nagbigay ako ng mensahe kay Gela na pumunta siya dito sa bahay para humingi na din ako ng tawad sa kaniya. Sana matanggap niya at sana ay may oras siyang pumunta dito. Ilang saglit pa ay nagpasya na kaming lumabas na sa kuwarto ni Clay.Sabay kaming lumabas ni Zvonimir. Tahimik kaming bumaba. Nakuha namin ang atensyon nina mama at papa na nakaupo lang sa sofa. Tila inaabangan nila kami. Agad tumayo si mama, dinaluhan niya kami na may pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi ko maitatanggi na madali mahalata na galing ako sa pag-iyak. Kaya hindi ko siya masisisi na mag-aalala siya.
"Anak, anong nangyari? Bakit ka umiyak?" nag-alalang tanong ni mama nang ikinulong ng mga palad niya ang aking mukha.
Bago man ako sumagot ay napukaw ang atensyon namin ang doorbell. Nilapitan iyon ng isa sa mga maid para buksan iyon. Tumambad sa amin na nagmamadaling si Gela. Parang hinihingal pa siya sa lagay na iyan. Kahit sina mama at papa ay nagtataka kung bakit biglang napadalaw dito ang kaibigan ko at ang dating fiancee ni Clay.
"Lyndy, anong nangyari?" may bahid sa kaniyang boses na pag-aalala. Kumunot ang noo niya dahil napansin din niya ang mga mata namumugto kong mga mata. "Teka, bakit ka umiyak?"
Bago ko man sagutin ang mga katanungin nila ay bumaling ako kay Zvonimir. Marahan na dumapo ang kaniyang maiinit na palad sa aking likuran. Napukaw din ng aking atensyon ang grand piano dito sa Salas. Humakbang ako palapit doon. Umupo ako sa upuan nito. I sit properly. Pumikit ako ng ilang segundo. 'Clay ahia, please give me strength. Sana makaya kong magsalita sa harap nila pagkatapos nito.' sa isip ko.
I stepped the pedal and I started press the keys infront of my parents, Zvonimir and Gela. Alam kong nagtataka pa rin sina mama, papa at Gela sa kinikilos ko. Pero naroon pa rin ang pagkagulat dahil matagal na panahon na akong hindi nakakapagtugtog ng instrumento sa harap nila. Matagal na nilang hindi naririnig ang aking musika. Kahit alam nila na ito ang passion ko, hindi ang paghawak ng kumpanya o anuman. Na hindi ako susunod sa yapak ni Clay. Wala akong kakayahan na magpatakbo ng isang kumpanya. Hindi ko alam kung papaano maghandle ng mga empleyado.
Sumilay ang isang maliit na ngiti sa aking mga labi nang umpisahan kong pagtugtugin ang pyesa na pinakapaborito ni Clay. Alam kong alam nila tungkol sa bagay na iyon. Naalala ko pa noon na gusto ang kapatid ko na tugtugan ko siya sa tuwing stress siya sa kaniyang pag-aaral. Kapag tinugtugan ko siya ng piano, nababawasan o minsan pa nga daw ay nawawala ang problema niya. Naalala ko pa na siya mismo ang nagrequest sa akin na ako daw ang tutugtog at kakanta para sa kasal nilang dalawa ni Gela na kailanma'y imposible nang mangyari 'yon.
"Sinabi sa akin ni Clay, mahal na mahal niya kayo." kusang lumabas sa bibig ko ang mga salita na 'yon. "Lalo ka na, Gela..."
Nilakasan ko ang aking loob na tingnan sila kahit na nagpapatuloy pa rin ako sa pagtugtog ng piano. Napasapo ng bibig si mama, si papa ay bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala. Si Gela ay naaninag ko ang mga namumuong butil ng luha sa kaniyang mga mata, nakaawang ang kaniyang bibig dahil sa hindi makapaniwala.
"L-Lyndy...?" tawag sa akin ni mama.
"Alam kong, nahirapan kayo sa akin buhat ng mga oras na ayaw kong magsalita. Dala-dala ko ang konsensya ko dahil sa akin, namatay si ahia. Nang dahil sa akin, nawala siya ng maaga... Nang dahil sa akin, hindi sila nagkatuluyan ni Gela..."
Napatigil ako sa pagtugtog nang biglang hinawakan ni Gela ang isang kamay ko. Pinaharap niya ako sa kaniya. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin nang tuluyan, imbis ay binigyan niya ako ng isang mahigpit ng yakap. Rinig ko ang paghagulhol niya. Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. Napatulala ako. Wala akong makapang salita.
BINABASA MO ANG
Silence And Pride | Completed | R18+
RomanceHOT AND NASTY NIGHTS SERIES 2: Lyndy Yudatco, is a chinese-filipina, the only heiress of the clan. She got everything. Family, a power and wealth, except one thing: a voice. Yes, she's mute and she's fix to marry to Zvonimir Ho, a good-looking and a...