Chapter 3

2.8K 101 4
                                    


Nakapagdesisyon na ako. Gagawa ako ng sarili kong charity. Nasabi ko na din kina mama at papa tungkol dito. Walang problema kay papa, sa katunayan pa nga ay natuwa pa siya dahil nawawala na ang dating ako na puro pagmumukmok lang sa kuwarto ang tanging alam ko. Si mama naman ay hindi daw niya maiwasang nag-aalala dahil sa sitwasyon ko na hindi nakakapgsalita. Pero ipinaliwanag at kinumbisi siya ni papa na magiging ayos lang daw ako, lalo na't kasama ko sina Zvonimir at Bram sa proyekto na ito. Maiksi na ang tatlong araw para sa amin, kasama na din ang byahe. Sa bandang Zambales naman ang pinili kong location. Pinili kong tulungan ang Aeta Tribe sa probinsiya na iyon. Nakontak ko na din kung sino ang pupwede kong makontak doon. Ang nakausap ko doon ay ang pinuno ng tribo. Nasabi ko sa kaniya ang vision ko at agad din niyang napaunlakan ang aking proposal. Sabihan ko lang daw siya kung kakailan daw kami pupunta para makapaghanda daw sila.

Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkatapos kong mag-impake. Lumapad ang aking ngiti. Tama na siguro na isang malaking back pack lang ang dala ko. Naasikaso na din daw ni Bram ang mga bibilhin na mga laruan at school supplies para sa mga bata. Si Zvonimir naman daw, nakaready na daw ang sangkap na lulutuin niya para sa feeding program. Nakakatuwa lang dahil parang team kami sa lagay na ito.

Kinuha ko ang teacup sa aking gilid at humigop ng kaunti. Ibinalik ko ang tasa sa pinanggalingan nito. Sumampang ako sa kama. Binulak ko ang aking laptop para machat ko through Facebook si Gela, ang isa sa mga kaibigan ko. Nasabi ko din sa kaniya ang plano ko na bubuo ako ng isang Charity. Nakakatuwa lang dahil willing daw siya tumulong at kasalukuyan siyang nangongolekta ng mga lumang damit na pupuwede pang magamit ng mga aeta na pagbibigyan namin. May mga kasama din kami sa pagpunta doon, ipinasama ni papa sa akin ang iilang tauhan niya mula sa kumpanya para may katuwang na din kami pag-akyat namin ng bundok.

Excited na ako para bukas! First time ko ito at sana ay hindi ako pumalpak!

Ilang saglit pa ay pinatay at itiniklop ko na ang aking laptop. Natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan...

"I wanna tell you this, kapag nagmahal ang isang Hochengco, iisang babae lang at handa magbuwis ng oras at buhay para sa babaeng iyon para mapasaya lang ito."

Agad akong umiling para mawala sa isipan ko ang mga linya na iyon. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata saka huminga ng malalim. Hinawi ko ang comforter at humiga na. Nagsign of the cross ako at nagdasal sa pamamagitan ng aking isipan. Humihingi ako ng gabay na sana ay maging ligtas ang byahe namin bukas.

**

Alas kuwatro palang ng umaga ay gising na ako. Mabilis akong kumilos. Naligo ako't nagbihis ng simple lang, 'yung tipong magiging komportable ako habang nasa byahe ako hanggang sa marating namin ang komyunidad ng mga aeta.

Usapan din namin ni Zvonimir ang oras na iyon at susunduin niya kami. Siya daw ang may dala na sasakyan.

Sinuot ko ang aking back pack bago man ako tuluyang nakalabas na ang aking kuwarto. Sa aking paglabas ay si Manang Laida na ang unang bumungad ng umaga ko. Mukhang bagong gising pa siya sa lagay na iyan.

"Oh, anak. Ganitong oras ba kayo magkikita ng fiancé mo?"

Ngumiti ako't tumango bilang sagot. Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa. Nagtipa ako doon saka ipinakita ko sa kaniya ang sinabi ko. "Susunduin niya po kami kasi, at saka nakakahiya naman po kung magpapaimportante ako sa kaniya."

"Ay, ganoon ba?" hinawakan niya ang aking balikat. "Basta, mag-iingat ka sa byahe ninyo ni Bram, ha? Kapag napabayaan ka ng batang iyon, isumbong mo sa akin."

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon