Chapter 10

2.4K 79 4
                                    


Hindi mawala-wala ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko habang nasa harap ko ang kamag-anakan ni Zvonimir. Sobrang kahihiyan na inabot ko lalo na't nilaglag kami ng kambal na anak ni Sarette Hochengco! Kahit naman nasabi nila sa amin na open minded naman sila ay hindi pa rin mawala-wala ang hiya sa aking sistema! Malaki na lang din ang ipinagsasalamat ko dahil kami-kami lang ang nakakaalam at wala dito ang mga magulang nina Zvonimir pati ang ibang tiyuhin at tiyahin nila.

"Huwag ka mag-alala, hindi naman namin masyado iisipin 'yon." nakangiting wika ni Laisa habang tinapik-tapik ang isang balikat ko. "Hindi na big deal sa amin ang bagay na 'yon."

Nagsialisan ang mga boys. Tanging mga magpipinsan na babae ang nagpaiwan dito sa Kusina. Dinala ng magpipinsan na lalaki ang mga anak ni Sarette, siguro ay para makipaglaro.

"Yeah, right." sang-ayon ni Sarette saka ipinasok niya ang tray na marinated chicken sa oven. She's cooking roasted chicken, I think. "Tingnan mo naman ako, single mother ako sa kambal ko. Ang malala pa doon, ayaw ako panagutan ng tatay nila."

Medyo nagulat ako sa kaniyang naging pahayag. Ang isang Sarette Ho, tinakbuhan ng isang lalaki? Paniguradong nagalit nang husto ang ama nilang si Mr. Finlay Ho. Sa pagkakaalam ko kasi, sobrang binibigyan ng importansya ng mga Hochengco ang pamilya. Kapag napahamak ang isa, hindi sila papayag na lumubog ito. Kaya minsan ay natatakot ang ibang kakompetensya nila. So don't ever mess up with this family if you don't want to suffer more than Héll.

"Maya-maya din mag-uumpisa na ang birthday party ni tita Inez." nakangiting segunda pa ni Gayla na may hawak na glasswine na may lamang champagne. Mapait siyang ngumiti. "Naalala namin si tita Inez sa iyo, Lyndy."

Natigilan ako. Tumitig ako sa kanila. "A-anong ibig ninyong sabihin?"

Nagkibit-balikat si Sarette. "Mahirap i-explain. It's not our story to tell. Malalaman mo din siguro kapag nakausap mo at naging close mo na si tita Inez. We have no rights and we respect her past so much." may bahid na kalungkutan sa kaniyang boses nang sambitin niya 'yon.

Tumangu-tango ako saka kumain ng fries.

"But we're more happy for you, nakapagsalita ka na ulit." dagdag pa ni Laisa.

"S-salamat..." natigilan ako nang may napagtanto ako. "N-nasaan pala si Zvonimir?" kanina ko pa siyang hindi nakikita buhat nang nagising ako.

Tumingin silang lahat sa akin. "May inaasikaso lang siya para sa party, ngayong gabi ang celebration but we're planning to go to bar later." si Verity ang sumagot na nakapangalumbaba na hindi mawala ang ngisi.

Oo nga pala, nabanggit sa akin ni Zvonimir na puro mga party goers ang mga pinsan at mga kapatid niya. Ibig sabihin, kung nasaan ang isa, naroon din ang lahat.

"Sasama ka mamaya, ha? Para naman makabonding ka pa namin." aya ni Sarette na ngayon ay nakapameywang. "Sayang wala sina Rowan at Ciel ngayon, nasa honeymoon. Well, masyadong baliw talaga ang kakambal ko na 'yon sa kaniyang pinakamamahal." saka bumungisngis siya.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko si Sarette. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon siya ng dalawang anak. At kambal pa! Wala sa hitsura niya ang maging nanay. Ang séxy pa rin niya at maalaga pa rin siya sa katawan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko agad napansin iyon.

Pagkatapos namin mag-usap aya agad kong hinahanap si Zvonimir. Gusto ko sanang tumulong sa kaniya kung sakali. Kahit na medyo hirap ako kumilos dahil masakit pa ang mga hita ko pero binabalewala ko na 'yon dahil ayokong magkulong sa kuwarto niya. Gusto ko rin naman makihablubilo sa kamag-anakan niya.

Tumigil ako sa paglalakad. Napasapo ako sa aking dibdib nang natanaw ko ang isang bulto ng lalaki na nakaupo sa bench ng garden na ito. Dahil naman totally madilim sa paligid, may mga ilaw pa rin naman kahit papaano kaya naaninag at nakilala ko na kung sino ang nasa bench.

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon