Chapter 7

2.3K 83 4
                                    


Nanatili akong nakapikit, magkadikit ang mga palad ko, at marahan na nakayuko habang nasa harap ako ng altar sa courtyard ng templo habang nasa tapat ko ang nakasinding insenso. Ang sunod kong ginawa ay pumasok ako sa templo. I make sure to step in with my right foot first, it shows as politeness toward the higher being who resides in the temple. Kasama ko si Zvonimir sa pagpasok dito.

Lumunod kami sa harap ni Buddha, kneeling is generally more effective to get our prayers heard. We place our palms and our forehead against the ground three times as part of a deep bowing motion. Nangangalangin ako kay Buddha na sana ay bigyan pa niya ako ng sapat na lakas ng loob para tuluyan na akong makapagsalita. Ipinagdadasal ko din na sana maging maayos na si Clay sa piling niya. Tulad ng kaniyang bilin, binabantayan ko ang pinakamamahal niyang si Gela, hindi ko ito pinapabayaan. Tulad ng sinabi ko kanina na binisita ko ang kaniyang puntod.

'Ahia, kung nasaan ka man ngayon, hinding hindi ko makakalimutan ang mga bilin at ang mga itinuturo mo sa akin pero sa ngayon ay kailangan ko munang labanan ang problema na kinahaharap ko ngayon—kailangan kong magsalita ulit.'

After that, we move on to the next deity, so on and so forth.

When we prayed and paid respect to Buddha and the other deities and guardians, lumabas na kami sa templo with the left foot first.

Tahimik kaming bumalik sa Parking Lot. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti bago ako nakaupo sa front seat. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Habang hinihintay ko siya na makapasok ay ako na ang nagsuot ng seatbelts. Nang nakapasok na siya dito sa loob ay sinuot na din niya ang kaniyang seatbelts. Binuhay niya ang makina. Ihahatid na kasi niya ako sa bahay para daw makapagpahinga na daw ako dahil mahaba ang byahe namin mula pa Baguio dahil dito kami dumiretso. Yes, I miss the chance to participate in anime convention pero naisip ko na marami pa naman akong pagkakataon na makasali sa mga ganoon. Hindi nga lang siguro ngayon, sa susunod pa.

Pagdating namin ng bahay ay hindi pa yata inaasahan nina mama at papa na nakauwi na ako. Hindi ko nalang pinansin ang kanilang reaksyon. Dinaluhan ako ni mama para bigyan ng isang mahigpit na yakap. "Oh, I thought both of you having a short time vacation in Baguio?" aniya.

Nang kumalas ako ng yakap mula sa kaniya ay ngumiti ako saka umiling. Mukhang nakukuha nila ang ibig kong sabihin. Bumaling ako kay Zvonimir na nasa likuran ko lang. Nakipagpalitan siya ng bati sa mga magulang ko. Walang sabi na hinawakan ko ang isa niyang kamay na alam kong ikinagulat nila. Tumingin ako kina mama at papa sabay tumuro ako sa itaas.

Nagtipa ako ng eksaktong sasabihin sa kanila.

Ako : Sa kuwarto lang kami. This is urgent and please don't disturb us.

Napasinghap si mama. Bago man sila mag-react ni papa ay mabilis kong hinila si Zvonimir. Umakyat kami sa malapad na hagdan hanggang sa marating namin ang dating kuwarto ni Clay. Pinapasok ko siya doon. Ako na ang nagsara ng pinto. Walang sabi na ni-lock ko ang seradura. Sumandal ako sa pinto. Pinapanood ko muna si Zvonimir na iginala ang kaniyang paningin dito sa loob ng silid. Walang pinagbago sa kuwarto na ito. Linggo-linggo ay pinapalinis ni mama ang kuwarto ni Clay, alam ko, hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya sa pagkawala ng nakakatanda kong kapatid. Alam kong naiwan siya na may sugat sa puso.

"Lyndy...?" nag-alalang tawag sa akin ni Zvonimir nang sa wakas ay lumingon siya sa akin.

Yumuko ako't kinuyom ko ang aking mga kamao. I gritted my teeth when I suddenly remember exactly what happened ten years ago. Oo matagal na pero hindi mabura-bura sa isipan ko ang karumal-dumal na pangyayari na iyon sa buong buhay ko.

"Ito ang dating kuwarto... Ni Clay." mahina kong saad. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. Lihim ko kinagat ang aking pang-ibabang labi. Nakatitig lang siya sa akin, tila inaabangan pa niya ang susunod kong sasabihin. "He's twenty when he died."

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon