Epilogue

3.6K 122 8
                                    


Tumayo ako ng tuwid, nasa likuran ko ang mga kamay ko. Tahimik akong nakayuko dahil sa hiya. Nakahilera kaming magpipinsan sa harap ng Grande Matriarch, si Madame Eufemia Hochengco. Abala niyang tinitingnan ang mga grades namin ngayong taon. Sa totoo lang ay ako lang ang nakayuko sa aming lahat dahil may ibig sabihin iyon.

"Zvonimir," matigas na tawag sa akin ng Grande Matriarch. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon para iangat ang aking tingin. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang hawak niya ang aking card. "You got the lowest grade." she muttered.

Kahit na hiyang-hiya ako ay pilit ko pa rin itago iyon. "O-opo..." mahina kong sagot.

Taas-noo niya akong tiningnan. "Do I deserved this kind of grade and performance from you, Zvonimir?" mas matigas pa niyang turan.

Umiling ako. "H-hindi po." nakakatakot talaga siya, kahit kailan!

"If you want to be a real businessman, or whatever career you want in the future, you should be the best. Hindi pwedeng pwede na. Hinding hindi ako tumatanggap ng pasang-awa." bakas na sa kaniyang boses ang galit. Her monster side! "Do you deserved to be a Hochengco?" tanong niya muli. Hindi na para sa akin ang tanong na iyon, para sa aming magpipinsan.

Doon ako natigilan. Hindi ko alam kung bakit umiba ang pakiramdam ko nang banggitin ng Grande Matriarch ang tanong na iyon. Simpleng tanong, pero nakaramdam ako na panliliit sa sarili. Sa aming magpipinsan, I'm always a loser way back, then.

I'm always ask myself, being a Hochengco is a good thing? Being born in this family, is a blessings? Do I really need to feel this kind of pressure? Siguro, dahil kapag sinabing Hochengco, magaling at hinding hindi nagpapatalo. Kung sabagay, pagdating sa business world, maingay ang apelyido namin, kaakibat an mga Chua na malapit sa aming angkan. Ilang beses na hinirang ang pamilya namin bilang isa sa mga pinakamamayamang negosyante sa Pilipinas.  Hindi pwedeng hindi.

Kaya pagtuntong ko ng kolehiyo, ginawa ko ang lahat para humanga naman kahit kakarampot ang Grande Matriarch sa akin. Na kaya ko ding makipagsabayan sa iba ko pang pinsan. Malapit na... Malapit ko nang makukuha ang gusto kong pabuya para sa sarili ko pero biglang may sumulpot sa daan ng aking tagumpay—si Clay Justine Yudatco. Tulad ko, ay kumukuha din siya ng Business Management. Naiinis ako dahil mas magaling siya sa akin. Mas matalino at mas madiskarte pa siya kaysa sa akin. Yeah, siya ang masasabi ko na malaking kakompetensya ko.

Pero may mga bagay din na malaki rin ang aming kaibahan. He's outgoing, marami ang may gusto sa kaniya dahil sa pagiging masiyahin niya. Halos lahat nang nakakasalubog niya ay kakilala niya, unlike me.  Ang iba pa nga ay sa tuwing nakakasalubong ako, nagiging ilag na. Ni hindi nga sila makatingin nang diretso sa aking mga mata. Ang mga pinsan ko lang talaga ang may lakas ng loob na malapitan ako , pati na rin siya, ang Yudatco na iyon!

Nagkataon lang na naging kapartner ko siya sa isang report. Napapansin ko ay parang kalmado lang siya, akala mo walang siyang maaambag sa report na gagawin namin. Samantalang ako, halos gumapang na para makahagilap pa ng mga impormasyon na idadagdag namin sa report. Bakit hindi rin siya naghihirap tulad ko? Halos magkapareho lang naman kami ng gawain kung tutuusin.

"Tuloy ka pare," nakangiting sabi ni Justine nang nakapasok na kami sa kanilang bahay. Sinabi kasi niya na dito kami gagawa ng report dahil kailangan niya daw bantayan ang kaniyang kapatid kahit na marami silang maid dito. "Pasensya na talaga. Ay, teka, kukunin ko lang sa Kusina ang meryenda na pinapahanda ko." saka umalis siya.

Hinatid ko lang siya ng tingin pero natigilan ako nang may namataan akong babae na nakasalubong ni Justine. Kita ko kung papaano sila nagbatian sa harap ko. Kusang umaawang ang bibig ko dahil sa kagandahan nitong taglay. Bakit parang nagiging slowmo ang paligid at nagiging blurred? Tanging sa babae lang ang malinaw sa paningin ko.

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon