Kasalukuyan kaming nakain ngayon ng dinner, along with my parents. Bihira lang mangyari ito kaya pinagbigyan ko na din sina mama at papa, ang kagustuhan nila na makasama sila sa hapag. Nakikinig lang ako sa kanilang pinag-uusapan. Tungkol sa negosyo. Kinukwento din nila tungkol sa mga experience nila. Kung hindi ako nagkakamali, may mga naging kaibigan ang pamilya namin sa pulitika."Lyndy?" malambing na tawag sa akin ni mama. Bumaling ako sa kaniya kahit na hawak ko pa ang chopsticks at mangkok. Kinuha niya ang isang baso ng tubig. "Ni jian tian guo de zen me yang? (How's your day?)" tanong niya bago siya uminom ng tubig.
Ngumiti ako sa kaniya na matamis. Alam na nila ang ibig kong sabihin doon. Through my facial expressions, malalaman din nila ang kasagutan ko sa bawat nilang tanong.
"By the way, tama lang pala talaga na ipinagkasundo ka namin kay Zvonimir Ho. He's born in year of the Sheep, while you are born in year of the pig. According to the love compatibility in marriage, you are both a perfect match, as a result." nakangiting saad ni mama. Malumanay niyang ipinatong ang hawak niyang baso sa dining table. "Ji ran ni ding hun le, ni men liang ge dou yung gai que ding jie hun ri qi. (Since both of you are engaged, you both should identify the wedding date.)"
Inilapat ko ang aking mga labi. Tango lang naging sagot ko. Oo nga pala, kailangan namin malaman kung ano ang petsa ng magiging kasal namin ni Zvonimir. Hindi ko man lang ito nabanggit sa kaniya kanina na nagkita kami sa restaurant dahil alam kong nagmamadali na din siya para kitain ang tinutukoy niyang kliyente kaya hinayaan ko nalang siyang umalis. Sa susunod nalang siguro. Kapag may libreng oras nalang siya dahil alam kong busy siya dahil alam ko, na isang tulad niya ay importante ang career.
**
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga habang nakatitig ako sa aking singsing na nasa middle finger. According to chinese traditions, the middle finger represents yourself. Also, chinese believes that since the woman is one in charge of the family household, her ring should be worn on the right hand because the right hand exerts more influence.
Bigla din sumagi sa aking isipan ang sinabi niya sa akin kanina sa restaurant. Kapag nagmahal ang isang Hochengco, iisang babae lang. Hindi ko man maitindihan kung ano ba ang gusto niyang ipunto doon ay pilit ko nalang iyon balewalain.
Umalis ako mula sa pagkaharap ko sa bintana saka sumampang na sa aking kama. Binuksan ko ang aking laptop. Ipagliliban ko muna ang aking panonood ng mga anime ngayon. Naisipan kong magstroll sa google. Maghahanap ako ng bagong gagawin sa buhay. Natype ko ang philippine community service projects. Nang lumabas ang mga results, may pumukaw ng aking atensyon. May nakalagay na 10 places in the Philippines Where You Can Volunteer. Napangiti ako, hindi ako nagdalawang-isip na i-click mismo ang website.
Marami akong pagpipilian kung saan ako pupuwedeng mapapadpad. Meron sa Olongapo, sa Batangas, kahit sa mas malalayo pang lugar na nasasakupan ng ibang charities tulad sa Visayas at Mindanao. Teka, may charity din ba ang pamilya namin? Parang wala naman binabanggit ang pamilya ko tungkol doon.
Share your blessings. Iyon ang umukit na sa aking isipan ng mga oras na ito.
Tinikilop ko ang laptop saka lumabas sa kuwarto na dala ko ito. Nagmamadali akong pumunta sa Study Room kung nasaan si papa. Nang nasa labas na ako ng silid ay tumikhim ako't kumatok ng tatlong beses. Rinig ko ang kaniyang boses mula sa loob. Na nagsasabi na pupuwede akong pumasok.
Pinihit ko ang seradura. Una kong nilusot ang aking ulo para sumilip kung anong ginagawa ni papa. Nadatnan ko siyang may hawak na mga papel at suot niya ang kaniyang antipara. Napukaw ko ang kaniyang atensyon. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Tumayo siya't ngumiti. "Oh, anak, pasok ka. May kailangan ka ba?" malumanay na tanong niya sa akin sa kabila ng gulat dahil hindi niya inaasahan ang pagbisita ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Silence And Pride | Completed | R18+
RomanceHOT AND NASTY NIGHTS SERIES 2: Lyndy Yudatco, is a chinese-filipina, the only heiress of the clan. She got everything. Family, a power and wealth, except one thing: a voice. Yes, she's mute and she's fix to marry to Zvonimir Ho, a good-looking and a...