Chapter 9

2.6K 91 5
                                    


Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang tumapak na ang mga paa ko sa Japan. Ang lugar na pinapangarap kong mapuntahan, nagkakatotoo na! Kahit na sabihin natin na may pera naman ako papunta dito ay hindi ko rin magagawa dahil unang una ay mahigpit pa sina mama at papa sa pagbabantay sa akin at naiitindihan ko naman sila sa parte na 'yon kaya walang kaso sa akin. Ngayon, mas nagiging panatag sila dahil kasama ko si Zvonimir papunta dito, lalo na't papunta kami sa bahay nila dito kung nasaan din ang kanilang mommy-si Madame Inez Ho pati ang daddy niya na kilala sa bilang molecular gastronomist at chef na si Vladimir Isaac Ho.

Pagdating namin ng arrival area ng Narita Airport, isang magarbong sasakyan ang sumalubong sa amin. Pero ang mas hindi ko inaasahan ay ang mga kapatid pala niya ang susundo sa amin. Nakahalukipkip sila habang naghihintay sa amin.

"Ahia! Lyndy!" matinis na bati ni Verity sa amin na may kasama pang pagkaway. Nasa tabi niya lang ang dalawa pa niyang kapatid na sina Vladan at Vander na parehong nakangiti sa aming pagdating.

"Hey," masayang bati sa amin ni Vladan.

"Kanina pa kayo?" kaswal na tanong ni Zvonimir sa kanila.

Bago man sumagot si Vladan ay sumilip siya sa kaniyang orasan na nasa pulsuhan. "Twelve minutes na kami narito." bumaling siya sa akin na hindi mawala ang ngiti niya. "Nice to see you again, sister-in-law."

Ngumiti ako at nag-bow sa harap niya. "Same here," pormal kong tugon.

Kita ko kung papaano natigilan ang mga kapatid ni Zvonimir nang marinig nila ang boses ko. Naitiindihan ko naman kung bakit ganoon ang reaksyon nila. Dahil noong unang beses ko lang sila nakita at mismo sa engagement party ay hindi ako nagsalita na daig mo pang napapanisan na ako ng laway. "N-narinig mo 'yon, Vander?" tulalang tanong ni Vladan.

"Yeah," mahina pero hindi rin makapaniwalang sagot nito.

"Pagod na kami. Gusto na namin magpahinga," pagsusungit ni Zvonimir bigla. Walang sabi na pinulupot niya ang isang braso niya sa bewang ko. Iginiya niya ako papasok sa sasakyan. "Don't mind them, iyan palang ang nakikita mo, kapag nakausap mo naman ang mga pinsan ko, paniguradong sasabog ka." bulong niya sa akin.

"G-ganoon ba?" iyan lang ang tanong nasabi ko.

"Yeah, also, they are party goers. Hindi pwedeng hindi ka sasama sa kanila kapag nag-aya silang mag-inuman." dagdag pa niya. "Especially Verity, umaandar ang pagiging party goer niya kapag nakakasama niya sina Eilva, Vesna at ate Sarette."

Pumasok na din sa loob ng sasakyan ang mga kapatid ni Zvonimir. Kwentuhan, asaran at tawanan ang ganap dito sa loob. Sa lagay nilang ito, parang isinantabi muna nila ang pagiging businessman nila. Siguro dahil tinuturing na nilang bakasyon ang mga araw na ito. May mga itinatanong pa si Verity sa akin, nasasagot ko naman. Nalaman niya mismo sa akin na isa akong otaku. Ipinangako niya sa akin na dadalhin niya daw ako sa Akihabara, also known as Electric Town, marami daw cosplayers doon kaysa daw sa Harajuku. There's also loads of maid cafe's which are very popular. Bigla tuloy ako na-excite ng todo dahil sa mga sinasabi sa akin ni Verity.

"And we're going to Roponggi, ya know, clubbing!"

"Verity, nandito tayo sa Japan para magcelebrate ng birthday ni mommy, hindi para mag-clubbing." suway sa kaniya ni Vander habang nagmamaneho ito.

Ngumuso si Verity. "Narito rin naman tayo sa Tokyo, bakit hindi nalang din lubus-lubusin?" pagrereklamo niya.

"Makakapagclub ka naman, pero syempre, kailangan din natin tulungan si daddy para ihanda ng special birthday treat niya para kay mommy." dagdag pa ni Zvonimir.

"Alright... Sige na, panalo na kayo. Hmp." saka humalukipkip siya. "Oh! I almost forgot, dadating ba sina Rowan at Ciel?"

"Maybe not, nasa honeymoon pa sila ng mga oras na ito." si Vladan ang sumagot.

Silence And Pride | Completed | R18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon