Yakap-yakap ko ang binti ko. Nakaupo ako sa bintana ng aking kuwarto. Sa malayo ang aking tingin. Gustuhin man ako imbitahan ng Pulisya para hingiin ang statement ko dahil sa nangyari ay hindi ko magawa dahil nakaramdam ako ng pagod. Mabuti nalang ay naharangan agad iyon ng magpipinsang Ho. Sila ang nagvolunteer na magbigay ng statement. Lalo na sa pagkamatay ni Gela.I hardly shut my eyes. Kusang tumulo ang iilang butil ng luha. Marahas iyon umagos sa aking pisngi. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin ang mga magulang niya. Kung papaano ako hihingi ng tawad sa kanila dahil nawala ang nag-iisa nilang anak. Napahamak pa sina Bram at Zvonimir nang dahil sa akin.
Mabigat sa loob ko dahil sa mga nangyari. Hindi ko alam kung bakit... Kung bakit kailangan nila akong iligtas? Una, si kuya. Sumunod naman sina Bram, Gela, lalo na si Zvonimir. Dahil ba sa pangako na binitawan nila kay kuya? Ano pang silbi ko sa mundong ito kung lahat nalang ng mga taong malalapit sa akin ay kinuha na? Mas tatanggapin ko pa na ako nalang... Na ako nalang ang kinuha, kaysa makita ko mismo kung papaano sila kinuha sa akin.
Dumilat ako. Tumingala ako't isinandal ko ang aking ulo sa pader. Huminga ako ng malalim. "Ahia, nadamay sila nang dahil sa akin..." kahit wala naman talaga ang presensya niya, nagawa ko pa rin siyang kausap sa pamamagitan ng hangin. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko..." bumaling ako sa picture frame na nakapatong sa side table, na katabi lang ng aking kama. Kinagat ko ang labi ko. Ang picture namin ni Clay. Pawang masasaya kami sa litrato na 'yon.
"Pinilit ko naman mabuhay, eh. Tulad ng sabi mo, kailangan kong mabuhay para hindi malungkot sina mama at papa. Pero bakit pakiramdam ko, habang nabubuhay ako... Mas nagiging mahirap?" namamaos ako nang sambitin ko ang huling kataga.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi ako gumalaw para buksan iyon. Nanatili lang ako sa aking puwesto. Mas hinigpitan ko ang pagkayakap ko sa aking mga binti. Muli akong tumingin sa labas. Rinig ko ito na nagbukas.
"Lyndy..." boses ni papa 'yon.
"Anak..." si mama na may bahid na pag-aalala sa kaniyang boes.
I heard their footsteps. They walking towards to me. Hindi ko sila magawang tingnan. Nanatiling nakatikom ang aking bibig. Nag-uumpisa na naman ulit ako sa simula. Ang pakiramdam na palabas ka na sa wakas mula sa madilim na kahapon, ay naudlot pa.
"Lyndy, nakilala namin kung sino ang kidnapper mo." malungkot na pahayag ni papa. "And yes, he's one of my employees before. Pero may dahilan talaga ako kung bakit ko siya tinanggal ng mga panahon na 'yon." rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Ninanakaw niya noon ang kinikita ng kumpanya. Noong una, hindi ako makapaniwala dahil mabuti siyang tao. Napagkakatiwalaan ko. Pero... Madami din pala nagkakapagsabi na totoo pala ang haka-haka noon."
Natigilan ako. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob para tingnan sina mama at papa. Si mama ay naiiyak na. Si papa naman ay malungkot ang ekspresyon ng kaniyang mukha.
"Kaya, huwag mong sisihin ang sarili mo anak. Alam ko, may pagkukulang din ako bilang ama sa inyong dalawa ni Clay. Sa mga nakikita ko, sa mga napagtanto ko, I'm a failed father to both of you." tumulo ang isang butil ng luha sa mata ni papa. He reached me. Hinaplos niya ang aking kamao. "Patawarin mo ako, Lyndy, anak... Kung pinasan mo ang mabigat na reyalidad ng buhay. Patawarin mo ako kung bakit nararanasan mo ang mga bagay na ito."
Para akong kakapusin ng hininga. Hindi ko na mapigilang mapaluha sa harap nila. Gusto kong magalit, gusto kong ilabas ang lahat ng hinananakit ko pero tingin ko ay wala nang mapupuntahan iyon kung ilalabas ko pa. Dahil lahat ng mga nangyari ay nangyari na. Wala nang maibabalik. Hindi na makakabalik sina Clay at Gela.
"Huwag mo rin sisihin ang sarili mo, anak. Nakausap ko ang nanay ni Gela, mas pinili ng kaibigan mo na sumama kung nasaan ang kapatid mo." humihikbing sabi ni mama. "Tanggap na nila kung ano ang desisyon ng kapatid mo pero alam ko, may parte sa kanila na hindi pa rin tanggap ang pagkawala niya..."
BINABASA MO ANG
Silence And Pride | Completed | R18+
RomanceHOT AND NASTY NIGHTS SERIES 2: Lyndy Yudatco, is a chinese-filipina, the only heiress of the clan. She got everything. Family, a power and wealth, except one thing: a voice. Yes, she's mute and she's fix to marry to Zvonimir Ho, a good-looking and a...